Ito na ang Bagong Buhay Ngayon ng Dating Dancer na si Jopay!

Ang dating dancer na si Jopay ginulat ang ilang mga taga-hanga dahil sa kanyang buhay ngayon kasama ang pamilya. Naging matunog ang kanyang pangalan ng sumikat ito sa kanyang grupo na s3xb0mb dancers sa GMA. Ano nga ba ang nangyari sa kanyang buhay? Atin itong alamin!

Ang Former dancer na si Diofanny Jane Paguia-Zamora o mas kilala bilang Jopay ay sumikat dahil miyembro siya ng all-girl group na s3xbomb. Mula ng una nilang pagsikat sa telebisyon umani na sila ng napakaraming taga-hanga na nagpahayag ng kanilang pagmamahal para sa grupo.

Bilang resulta, tumatak na sa Pilipino sina Jopay at mga kagrupo lalo na si Rochelle. Sa katunayan, ang kanilang pagiging sikat ang nagpunta sa kanila sa showbiz bilang mga aktress sa tulong ng Kapuso Network.




Ngunit sa lahat ng kanilang nakamit na tagumpay sa industriya ng showbiz, sa kalaunan ay unti unti nang nagkakawatak watak at hindi gaanong bumibenta na sa mga manonood. Sa ganong sitwasyon, naisipan nalang nilang huminto at pumili ng iba’t ibang daan sa kani-kanilang buhay.

Sa ngayon, namumuhay ng ordinaryo si Jopay kasama ang kanyang pamilya. Itinuturing siyang supportive wife ng kanyang asawa na kapwa sumasayaw rin sa grupong Manoeuvres na si Joshua Zamora.



Nagkakilala ang dalawa sa isang teleserye sa ABS-CBN hanggang sa mauwi na sa kasalan ang kanilang pag-iibigan noong 2014. Ngunit sinubok ang kanilang buhay ng nawala ang kanilang panganay na anak dahil sa m!scarriage. Kahit gaano pa man ito kahirap kay Jopay, nakaya pa din nila na bumangon at ituloy ang kanilang buhay mag-asawa.





Sinagot ng Panginoon ang kanilang dasal dahil makalipas ang dalawang taon,December 2017, isinilang ang kanilang malusog na baby girl. Sinubok man sila ng panahon, pinagpala naman ngayon dahil isa na siyang mapagmahal na ina sa anak na nagngangalang Isabelle Alessa. Ang Isabelle ay nangangahulugang “devoted to God” at ang Alessa naman ay “defender of mankind”. Tutok naman silang mag-asawa sa kanilang anak.