Magkasintahan Sila ng Mahigit na 7 na Taon, Subalit Hindi Inaasahan ng Babae Nang Malaman ang Isang Lihim ng Kanyang Minamahal Bago Sila Ikasal!

Marami sa atin ang naghahangad na ikasal sa taong pinakamamahal natin. Isa ito sa pinakainaabangan ng mga babae na mangyari sa kanilang buhay. Ang kasal ay isang sagradong gawain kung ang saan ang isang babae at isang lalaki ay pinagiisang dibdib sa bisa ng batas sa pangunguna ng pastor o ng pari. Maraming kapamaraanan ang pagkakasal at marami itong pagkakaiba-iba depende sa lugar at tradisyon na pinaniniwalaan ng magkasintahan.

Isang babae sa Purworejo Regency, Indonesia na nagngangalang Wilis Setyowati, 27 taong gulang ay nadismaya matapos niyang malaman na ang kanyang kinakasama sa loob ng pitong taon ay isa palang babae rin! Nakadagdag pa sa kanyang kalungkutan ang balitang ito dahil nalaman niya ang lihim ng kasintahan ilang araw bago ang kanilang nakatakdang pagiisang dibdib.





Nangyari ito ng malaman ng kanilang lokal na opisyales na ang ipinasang dokumento ng kanyang kasintahan na si Pratam, 30-taong gulang ay peke pala! Dahil sa masusing pagsusuri ng mga opisyal ng Religious Affairs Office, napagalaman nila na peke ang mga nakadeklarang impormasyon patungkol kay Pratam. Nalaman din nila na ang kanyang tunay na pangalan ay Nova Aprida Avriani at hindi siya lalaki!



Nakasanayan na sa Indonesia na kasama ng lalaki ang kanilang mga magulang sa pagsasaad ng kanilang hangarin na pagpapakasal, ngunit hindi kasama ni Pratam ang kanyang mga magulang ng bumisita ito sa bahay ni Wilis. Ayun sa mga magulang ng babae, hindi sila nagtaka sa ginawa ni Prat dahil ang iniisip nila ay natural na ito sa mga kabataan ngayon.

Marami sa mga nakaalam ng balitang ito ang hindi napigilang magtanong at magduda kay Wilis at nagtatanong na sa hinaba-haba ng kanilang pagsasama ay bakit hindi niya nalaman na ito pala ay isa ring babae. Ayun nga sa Ama ni Wilis, ang kanyang anak ay inosente at sa loob ng pitong taon nilang pagiging magkasintahan ni Pratam ay wala silang ginawang kakaiba para malaman nito ang kasarian ng kanyang kasintahan.


Hindi pinapayagan ang pagpapakasal ng magkaparehas ang kasarian sa Indonesia at ito ay may kaukulang parusa sa batas, ngunit nangyari ang insidente bago pa ikasal ang dalawa kaya’t hindi makakasuhan si Pratam. Ngunit dahil siya ay napatunayan din na nagsasagawa siya ng pamemeke ng mga dokumento, siya parin ay makukul0ng dahil dito.

Nakakalungkot isipin na ang panahon na pinakahihintay mo para maging masaya kasama ang mahal mo ay mauuwi pa sa isang bangungot dahil lang sa isang sekreto ng itinatago niya sayo.