Kilig na Kilig ang mga Netizen Nang Makita Nila ang Napakagwapong Anak na Lalaki ni Robin Padilla

Isa si Robin Padilla sa tinitingalang actor dahil sa matipunong katawan at magandang kaanyuan pati na rin sa kanyang galing sa industriya ng pag-arte kaya hindi na rin kataka-taka kung magkaroon man siya ng kasing gwapo at galing na anak.

Makikitang maraming pamilya ang magkakasama sa showbiz tulad ng pamilyang Gutierrez na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, Richard at Raymond. Meron rin ang pamilyang Baretto na sina Gretchen, Marjorie,Claudine, Claudia at Julia. At siyempre hindi rin mawawala sa sikat na pamilya sa industriya ang mga Padilla.




Ang magkakapatid na sina Robin, BB, Royette at Romel ay kanya kanyang nagtayo ng kanilang pangalan sa industriya dahil sa kanilang magaling na pagganap sa mga action movies. Ngayon ay may panibagong henerasyon na naman ng Padilla na sumasakop sa local at maging International entertainment scene tulad ni Bela na isang actress at screenwriter na pamangking na babae ni Robin. Kasamana rin ang kamag-anak nito na ang actor na si Mark Anthony Fernandez at kanyang anak na si Grae Fernandez at ang nagiisang Teen King na si Daniel Padilla.

Bago pa man makilala si Daniel, si Robin Padilla ang pinaka prominenteng Padilla sa lahat at tinaguriang bad boy ng Philippine Cinema. Pinaghirapan niya talagang maabot ang kanyang pwesto ngayon dahil noon siya mismo ang halos gumagawa ng kanyang mga stunts sa kanyang action-packed movies.



Hindi lang rin siya sumasabak sa actions dahil pati sa mga blockbuster romantic movies ay siya ang bida kasama sina Sharon Cuneta, Vina Morales, Kris Aquino, at Judy Ann Santos.

Maliban sa buhay showbiz, Isa rin siyang family man na mahal na mahal ang kanyang mga anak ng sobra. Mayroon siyang anim na magagandang anak. Sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen, at Ali, sa kanyang ex wife na si Liezl Sicangco, anak na babaeng si Camille kay Leah Orosa at ang kanyang pinakabunsong anak na si Maria Isabella sa kanyang asawa na si Mariel Rodrigez.

Kamakailan lang pinaguusapan ng online community ang nagiisang anak na lalaki ni Robin na si Ali Padilla. Malaki na ngayon si Ali at siguradong kuhang kuha niya ang gwapong mukha mukha ng kanyang ama. 17 years old na siya at naninirahan kasama ang kanyang ina na si Liezl sa Australia. Sinasabi rin ng mga netizens na kamukha ni Ali ang kanyang pinsan na si Daniel dahil sa kanyang dreamy eyes at bad boy aura.



Kahit na nasa Australia siya ipinakita pa rin niya ang pagkainteresado sa pagsali sa showbiz kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan.