Nakita Niyo na ba ang Napaka Gandang Pink Room ni Baby Tali? Tignan Niyo ang Loob Nito!

Pagkatapos ng kasal nila Vic Sotto at Pauleen Luna ay nanirahan sila sa Alabang habang ang exclusive na bahay nila sa Sta. Elena Village sa Laguna ay under construction.

Makalipas ang 1 taon ay lumipat na muli sila sa kanilang bagong two-story house kasama ang kanilang anak na si Baby Talitha.

Talitha Maria Sotto ang pangalan ng anak ni Pauleen Luna-Sotto at Vic Sotto. Siya ang unang anak na babae ni Pauleen Luna kay Vic Sotto. Ibinahagi ni Pauleen ang itsura ng loob ng nursery room ni Baby Talitha at marami ang nagandahan sa kwarto ng bata.


Narito ang itsura ng loob ng nursery room ni Baby Talitha:

Ang kulay ng Nursery ni baby Talitha ay gray, pink and white. Kulay Gray ang wall, white sa mga furniture and pink ang lahat na gamit. Ito ang ikaapat na Bedroom sa kanilang magarang two storey house.




Makikit sa loob ng kanyang bedroom ang white crib at may pink trimmings. Pink and White stuffs ang pinili ni Pauleen Luna para sa kanyang babygirl. Makikita rin sa kwartong ito ang queen-size bed at ang sariling toilet ng bata.

Ang malutong na kulay puting mga punda at bedsheets, at ang background na kulay ng buong room ay nagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam. Makikita rin sa bathroom ni baby Talitha ang maaliwalas, malinis na kagamitan at kapaligiran na nagbibigay ng maganda at eleganteng look.

Ang mga baby stuffs na pinili nang kaniyang mommy sa kaniyang mga paboritong baby shop tulad ng Pottery Barn at Potty N Tubby ay makikita sa kaniyang bathroom.


Mapapansin din sa kaniyang queen-sized bed ang mga picture frame na iba’t ibang hayop na nakakadagdag ng overall look ng kwarto. Ayon naman kay Pauleen , ang nagbigay inspirasyon sa kanila sa paglagay ng mga animal print frame ay ang pagpunta nila sa Africa noong nag 1st anniversary ang mag-asawa.

Ang ibang mga gamit sa nursery room ni baby Tali ay niregalo sa kaniya. Halimbawa na lang ang makikitang mini-library na regalo ni Ninong Alden Richards. Makikita rito ang collection ng Learning Time Books. Ika nga ni Pauleen ay tinatawag itong Talking Books dahil may kasama itong talking pen na siyang magbabasa sa libro sa iba’t ibang lenguahe at Philippine dialect na nakakabilib.

Makikita rin dito ang infant-to-toddler rocker para mapaamo si Tali o mapatahan kapag umiiyak.

Ang Nursery ni baby Tali ay mayroong rin CCTV camera na nakalagay sa TV console at sa isa pang décor. Nilagay ito para nakikita o mabantayan pa rin ni Pauleen si baby Tali kahit anong oras at kahit nasaan man siya gamit ang kaniyang mobile phone.

 

source: smartparenting.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *