Sa Hindi Inaasahan na Pangyayari, Nagulat na Lamang ang Ina ng Mayroong Nakabara na Ganitong Bagay sa Lalamunan ng Kanyang Anak.

Natural na sa mga bata ang pagkahilig na magdampot ng mga bagay-bagay at isubo ito sa kanilang bibig sa pag-aakalang ito ay isang pagkain. Parte na ito ng kanilang paglaki at paraan din ito para sila ay matuto.

Isang limang taong gulang na bata ang dinala sa clinika para masuri sa X-ray ang kanyang lalamunan na nagkaroon ng bara. Ito ay dahil sa kanyang kinain na ubas na hindi na niya nanguya at tuluyan ng dumiretso sa kanyang lalamunan.

Hindi inaakala ng Ina ng bata na ang simpleng pagkain ng prutas ay maaaring magdulot ng pagkam^tay ng kanyang anak. Nagulat ang ina sa nangyari at agad itong dinala sa mga doctor. Ayun sa mga ito, himala na maituturing na nakakahinga pa ang bata sa kabila ng pagbara ng ubas sa kanyang lalamunan. Ayon sa kanilang pagsusuri, kinakailangang isailalim sa 0perasyon ang bata upang matanggal ang nakabarang prutas.


Ayun kay Angela Henderson na isang Ina at nagtatrabaho sa clinika, nakita niya ang eksray na ito ng bata sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nabahala siya sa kanyang nakita kaya naman minabuti niyang magpost sa kanyang social media para mapaalalahanan ang publiko na kailangan nilang doblehin ang pagbabantay at pag-iingat sa kanilang mga bata lalo na kung maliliit pa ang mga ito.




Ang mga bata ay mayroon pang maliliit na lalamunan kaya naman ano mang pumapasok sa kanilang bibig ay dapat na ingatan kasi maari silang mabulunan kapag hindi nila ito nanguya ng mabuti at maaring magdulot sa kanila ng pagkam^tay kung hindi maagapan at hindi sila makahinga.


Ayon pa sa pagsusuri ng mga eksperto, ang pagkain ng ubas ay pangatlo sa dahilan ng pagkam@t@y ng mga bata dahil sa pagbabara nito sa kanilang lalamunan.



Bilang mga magulang o nakakatanda tayo ang dapat na nakakalam ng kung ano ang nakakasama o nakakabuti sa mga bata kaya naman kailangan tayo mismo ay malaam sa mga bagay-bagay para ng sa ganoon maiwasan natin ang mga sakuna na ayaw nating mangyari sa ating mga minamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *