Totoong Ugali ni Jericho Rosales Ibinahagi Ng Isang Babae Nang Ito Sana ay Nagpapapicture Kasama ang Aktor

Marami sa mga tao ngayon ang tutok na tutok sa panonood ng mga palabas sa telebisyon. Ang iba pa nga sa kanilang ay nakikisabay sa takbo ng kwento at nagbabahagi ng kanilang mga reaksyon sa kani-kanilang social media o sa mga usapan kasama ng kanilang mga kaibigan. Kaya naman mas tumitindi ang kanilang hangarin na makita sa personal ang mga napapanood nila sa telebisyon at magkaroon man lamang ng litrato kasama ang kanilang mga idolo. Ngunit marami naman ang pinaghihinaan ng loob dahil natatakot silang baka hindi sila mapansin ng kanilang idolo o di kaya naman ay makaranas sila ng pagtanggi sakali man na lumapit sila at magpa-picture.



Si Jericho Rosales na isa sa mga aktor ng pinaka-pinaguusapan na palabas sa telebisyon na Halik ang isa sa mga hinahangaan ng mga kababaihan hindi lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan kundi dahil na rin sa kanyang galing sa pag-arte. Kinababalewan ngayon ang palabas na Halik dahil marami ang nakakasabay sa takbo ng kwento dahil marami ang nakakaranas nito sa toong buhay.

Isang babae ang naging viral sa social media matapos siyang mag post ng kanyang larawan kasama ang aktor na may nakalagay na caption:

Me: Jericho! Pwede magpapicture.

Siya: wait ate, may hinahanap lang ako na store.



(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Me. Okay po (Nakasimangot, akala ko masungit siya)

After 30 min. Habang nag-aayos ako ng menus

Jericho: TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO.

Me: OMG. Binalikan niya ako! Hahahahha

At California Pizza Kitchen Edsa Shangrila




Madaming mag netizen ang nainggit kay Dennish Diane at naibahagi nag kanyang post ng mahigit sa 30,000 na tao sa social media. Sabi pa ng ilan totoo nga na mabait talaga sa personal si Jericho at hindi siya mayabang kahit na malayo na nag kanyang narating sa showbiz.

Nakakatuwang isipin na ang isang aktor ay nagbigay pa talaga ng panahon na balikan ang isang ordinaryong tao para lang pagbigyan ang gusto nito. Patunay lang na ang bawat tao ano man ang propesyon sa buhay ay mayroong kabaitan sa kanilang mga puso.