Si Yen at ang kanyang kasintahan ay lubos na nagmamahalan. Boto ang pamilya ni Yen sa kanyang kasintahan na si Yang Hongbo. Maganda ang kanilang naging pagsasama at araw-araw silang namamasyal lalo na para ipag-diwang ang kanilang espesyal na araw. Si Yan ay nagtatarabaho sa isang kilalang establisyemento sa China at madalas siyang sinusundo ng kasintahan sa kanyang trabaho at hinahatid pauwi sa kanilang bahay.
Isang gabi habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si Yuen papunta sa trabaho ng kanyang kasintahan, bumuhos ang malakas na ulan. Tumabi saglit ito sa gilid ng kalsada para magsuot ng kapote. Nagmadali siyang nagpatakbo ng kanyang motor ng hindi niya napansin na may tumawid na sasakyan at sumalpok siya dito. Nagising nalang siyang nasa hospital na at nakasabit ang dalawa niyang paa na puno ng benda. Nasa gilid ng kanyang kama ang kanyang kasintahan na si Yen at nakangiti sa kanya ng imulat niya ang kanyang mga mata sa unang pagkakataon.
“Sa wakas mahal at nagising kana!”, bungad ni Yen sa kanyang kasintahan kasabay ng matingkad niyang ngiti. Nandoon din sa loob ng kwarto ang pamilya ni Yan. Dahil sa lagay ng kanyang kasintahan, napagdesisyunan nito na umalis sa kanyang trabaho para maalagaan ng maayos si Yuen dahil wala na itong magulang o pamilya na mag-aalaga sakanya.
Nagalit ang mga magulang ng dalaga sa kanyang ginawang desisyon at binalaan ito na kapag hindi pa nakalakad si Yuen sa loob ng anim na buwan ay kailangan na niya itong hiwalayan at bumalik sa kanyang trabaho. Nalungkot ang dalaga sa naging pahayag ng kanyang mga magulang ngunit tinanggap ito ni Yuen.
“Bakit ka pumayag sa mga magulang ko na hiwalayan kita kapag hindi ka pa nakalakad?” tanong ni Yen sa binata. “Ayokong sayangin mo ang buhay mo dahil lang sa akin Yan”, tugon ng binata. “Nais ko na maging masaya ka at mamuhay ng normal hindi yung ibubuhos mo ang lahat para sa atin. Hindi pa naman tayo kasal kaya maaari mo pa akong iwanan.” sabi pa ng binata.
“Hindi ako aalis sa tabi mo mahal. Aalagaan kita at magtutulungan tayong dalawa para sa muli ay makalakad kana at ibalik natin ang dati.”
Hindi nga hiniwalayan ni Yen ang kayang kasintahan at sa kanilang pagtutulungan nakalakad na muli ng paunti-unti ang binata na ikinatuwa naman ng mga magulang ni Yen. Tunay nga na kapag totoong mahal mo ang isang tao hindi mo siya iiwanan kahit na ano pa man ang mangyari sa kanya at sabay ninyong haharapin ang ano mang problema na dumaan sa inyong relasyon at sabay din kayong aahon na muli.