Isang araw habang nag-aayos ng sirang tubo ang tubero sa loob ng isang bahay, nakarinig siya ng iyak ng bata at lumingon siya sa paligid ngunit wala siyang natagpuan. Sinundan niya ang iyak ng bata at natunton niya na sa loob pala ng tubo nagmumula nag ingay. Nagpatulong ang lalaki sa kanyang mga kasama para makuha ang bata ngunit nakabara ito sa tubo kaya naman pinutol nalang nila nag tubo kung saan naroon ang bata at dali-dali nila itong inilabas at dinala sa hospital.
Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkalungkot ng makita nag sanggol at hindi niya napigilang maluha. Pagdating niya sa hospital ay tinulungan niya ito na tila para na siyang isang ama sa sanggol. Nakiusap pa ito na gawin lahat ng kaya ng doktor para lang maligtas ang bata.
Nagtulong-tulong ang mga doctor upang maisalba ang buhay ng munting sanggol at naging usap-usapan sa loob ng hospital kung paano siya napunta sa tubo ng tubig. Sabi ng ilan marahil ay sinadyang i-flush ang bata ng kanyang ina ngunit nabuhay parin ito. Ang ilan sa mga nakarinig ng balita ay nagtataka kung paano nagawa ng bata na mabuhay habang nasa loob ng tubo.
Habang nasa hospital ang bata, dumating si Eva at sinasabing siya ang ina ng bata. “Dok ako po ang Ina ng bata”, wika niya sabay patak ng luha sa kanyang mga mata na akala mo ay bumubuhos na ulan. Pinakalma muna ng mga doctor ang dalaga at kinausap kung ano ang nanyari sa kanya. Ayun kay Eva, hindi niya alam n aka buwanan na niya ng mga panahon na yaon ng gumamit siya ng palikuran at pagtingin niya ay may dugo na sa inidoro. Akala niya ay simpleng dugo lamang yun hanggang sa noong nagpasuri siya ulit sa doctor ay sinabihan siya wala na ang bata sa kanyang sinapupunan.
Matapos ang mga pagsusuri, napatunayan na siya nga ang ina ng bata at ibinigay sa kanya ang munting anghel matapos itong magamot sa hospital. Malaki na ngayon ang bata at kasama na nabubuhay ang kanyang Ina.
Napakagandang kwento ng isang anghel na lumaban upang mabuhay kahit na napabayaan siya ng kanyang mga magulang. Tunay nga na sa panahon natin ngayon mayroon padding himala na ginagawa an gating Panginoon.