Comedian Vice Ganda, Ibinahagi ang Kanyang Net Earnings na Nagkakahalaga ng Php 75M sa Kalahati ng Taon

Si Vice Ganda ay kilala bilang isa sa mga sikat na artista ngayon sa industriya. Kaya naman hindi na nakakagulat pa na siya din ang may pinakamataas na earnings kaysa sa mga iba pang loal celebrities. Ngayon taon na ito, itinalang ang kaniyang earnings ay pumapatak sa $1.43 million o katumbas na 75 million pesos ang kaniyang net worth.

Alam nating lahat na ang aktor ay nagmula sa hindi mayamang pamilya. Mula pa naman noon ay aminado na si Vice Ganda na hindi naging madali ang pera sa kanilang pamilya noon. Nagsimula siya bilang isang entertainer lamang sa mga bar sa Quezon City bago pa siya madiskubre at tumungtong sa kung saan mang siya ngayon. Hirap sa makaharap ng pera ng kanyang pamilya dahil wala naman itong sapat na kinikita buwan buwan.








Marami ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga gig gaya ng sikat niyang noontime show, ang kaniyang annual na pelikula, mga endorsements, at pati narin ang kaniyang mga konsyerto na bumenta talaga sa madlang tao. Sinikap ni Vice na matungtong ang kanyang tagumpay para na rin sa kanyang pamilya. Alam ng lahat na likas ang kagalingan ni Vice sa pagisip ng mga joke na bentang-benta naman sa madla, kaya naman mas nagpursige pa ito na maghatid ng katatawanan at kasiyahan sa lahat.\

Sa ngayon, isa na ring businessman si Vice Ganda matapos niyang tahakin ang linya at produkto ng makeup. Kamakailan ay inilabas niya ang kaniyang makeup line na Vice Cosmetics na talaga namang naging matagumpay. Talagang lagi siyang sinusuportahan ng kaniyang mga fans kaya naman talagang bentang benta ang lahat ng kaniyang proyekto. Ito rin ay isa sa mga nagpataas ng kanyang earnings.


Nakakamangha talaga na kahit pa man ay kalahati palang ng taon, ganito na ang kaniyang net earnings. Talagang dodoble pa siguro ang kaniyang earnings sa pagtatapos ng taon dahil sa kanyang mga upcoming shows na talaga naman aabangan ng madlang people.