Ito ang 9 na Mansion Na Pagmamay-Ari ng Pambansang Kamao Na Si Manny Pacquiao

Kilala ng lahat ng Pilipino si Manny Pacquiao at pati na rin ng mga taga-ibang bansa dahil sa angkin niyang galing sa larangan ng boxing. Maliban dito siya din ay kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Lumaki din sa hirap si Manny at naranasan ang lahat ng uri ng trabaho para lang kumita ng pera. Ngunit ngayon ay lubos ang kanilang pasasalamat sa Maykapal hindi lang sa kanilang mga anak kundi pati na rin sa kanilang mga negosyo at karangyaan sa buhay. Sa kabila ng pagiging tanyag at karanyaan ay nanatiling mapagpakumbaba si Manny at patuloy siya sa pagtulong sa kanyang mga kababayan lalo sa mga mahihirap.

Ngayon ay ating iisa-isahin ang mga napabalitaang mansion na pagmamay-ari ng mag-asawang Manny at Jinkee dito sa Pilipinas at maging sa ibang-bansa.



1. Mansion Sa Beverly Hills Sa Amerika

Marami ang nagbalita na binili ni Manny lupang may sukat na 10,000 square feet sa loob ng isang eksklusibong komunidad sa Amerika at nagbigay pa daw sila ng mga tickets ng laban ni Mayweather sa mga bantay. Ngunit ang balitang ito ay pinabulaanan ng ‘The Real Deal’ at sinabing hindi natuloy ang planong pagbili ni Manny ng bahay ng dating sikat na rapper na si Sean “Diddy” Combs.

2. Dalawang Palapag Na Bahay Sa Los Angeles

Totoong may bahay sila Manny at Jinkee sa Los-Angeles at ipinakita niya pa ito sa ‘MTV Crib’, isang music channel sa Amerika. Magiliw na inilibot ni Manny ang mga staff ng music channel sa loob at labas ng kanilang magarbong tahanan.

3. White House Sa General Santos City

Pangalawa ito sa mga nai-pundar nila Manny na bahay matapos ipagawa ang kanilang unang mansion sa General Santos City.


4. Unang Mansion Sa GenSan

Ayon kay Jinkee Pacquiao, ito ang kanilang kauna-unahang mansion sa Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Lagao Village General Santos City.

5. Saranggani Beach House

Bilang mahilig pag relax malapit sa beaches ay balita-balita din na sila Manny at Jinkee ay nagpatayo din sila ng isang Beach house na maaari nilang matuluyan kapag gusto nila magbakasyon sa dagat kasama ang kanilang mga anak at pamilya.

6. Bahay Sa Forbes Park

Napabalita din na mayroon bahay ang mag-asawang Manny at Jinky Pacquiao sa Forbes Park.

7. Bahay Sa Makati

Ito ang isa sa pinakahuling binili na mansion ng mag-asawa dito sa Pilipinas at kanila itong ipinakita sa publiko sa pamamagitan ng social media.

8. Bahay Sa Laguna

Mayroon ding bahay ang mag-asawa sa Laguna kung saan kanilang binibisita minsan kapag gusto nilang malayo sa buhay sa syudad.



9. Bagong Mansion Na Ginagawa

Ang pang-huling mansion ng mag-asawa ay kasalukuyang ginagawa pa lamang ayon sa kanilang ibinahagi sa publiko ngunit hindi pa nakasaad ang lokasyon nito. Ito na naman ang aabangan ng karamihan kung ano ang magiging mukha ng bagong mansion ni Manny at Jinky.

Sa napakaraming bahay ng mag-asawa, nagagawa pa kaya nilang bisitahin ng mga ito? Ikaw, ano sa palagay mo?

source: kami.com.ph