Tinangka ng Lalaking Ito na Lumangoy Mula Cebu Hanggang Bohol Dahil Wala raw itong Pambili ng Ticket sa Barko

Isang lalaki ang nakita ng mga coast guard na palutang-lutang sa dagat gamit ang Styrofoam nang hindi nila alam kung ano nga ba ang tunay na nangyari daito. Napansin ng mga coast guard na ito na hindi pa ito gaanong nakakalayo mula sa Talisay Port.




Nang makaahon na sa tubig at makapagpalit ng damit, kinausap ng coast guard ang lalaki na nagngangalang Ceferino Angco na palutang lutang sa dagat. Ayon dito, pauwi sana ito sa kanyang probinsya sa Bohol upang makita ang kanyang sumakabilang buhay na kamag-anak subalit dahil wala itong pera pambili ng ticket sa barko at nahihiya itong humingi sa iba, kaya naman tinangka na lamang ng lalaki na languyin ito upang makauwi sa kanyang probinsya habang may styrofoam sa gilid ng kanyang pantalon.

*image for illustration purpose only

Ayon sa lalaki, siyam na oras na pala itong palangoy-langoy sa karagatan. Sa kabutihang palad ay nasagip siya ng mga coast guard dahil kung hindi isa na din siya sa mga ibinubur0l ngayon.



Nagsimula di umano siyang lumangoy simula 11:30 ng Sabado ng gabi noong Oktubre 27. Nag-antay muna siyang gumabi para walang makakita sa kanya sa pag-langoy sa dagat dahil ito ay ipinagbabawal sa lugar. Makikita sa mukha ni Mang Cerefino ang panlulupaypay at pagod na dinanas niya sa loob ng anim na oras na paglangoy.

Nakarating sa Councilor ng Talisay City na si Jojo Bacaitos ang nangyari at kaagad siyang nagpadala ng tulong kay Mang Cerefino. Binigyan niya ito ng ticket at ilang pagkain para makapunta na siya sa Bohol. Oktubre 29 ng sumakay siya ng barko at inaasahang kinaumagahan ay makakarating na siya ng Bohol upang makita nag kanyang mga kamag-anak. Walang humpay ang pasasalamat ni Mang Cerefino sa mga taong tumulong sa kanya na makasakay ng barko at higit sa lahat sa coast guards na nagligtas ng buhay niya.



Salamat na lamang sa mga taong tumulong kay Mang Cerefino at hindi na niya kailangan lumangoy pa sa dagat upang makita lang ang namayapa niyang kamag-anak. Nag-iwan din ng numero na 0927 984 1856 si Councilor Jojo Bacaitos para sa mga taong nais pang tumulong kay Mang Cerefino sa iba’t-ibang kapamaraanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *