Dahil Hirap sa Paghahanap ng Trabaho sa Saudi ang Lalaking Ito, Naisipan na Lamang Niya na Magtinda ng Ganito Upang Kumita ng Pera at Ito ang Nakatulong Sakanya Para Makapagipon

Isang araw habang tirik na tirik ang araw, pawis na pawis na umuwi si Mang Emmanuel sa kanilang bahay galing sa pagtatrabaho sa bukid. Nadatnan niya ang kanyang asawa na naglalaba habang ang kanyang mga anak naman ay naglilinis ng kanilang bakuran.




“Mahal kumain ka na muna ng tanghalian at magpahinga ka ng kaunti bago ka bumalik sa bukid”, salubong ng asawa ni Mang Emmanuel. Matapos kumain ay hindi na nagpahinga si Mang Emmanuel dahil kailangan niyang bumalik agad sa bukid para matapos ang kanilang pagtatanim ng palay. “Mahal salamat sa masarap na tanghalian. Kailangan ko ng bumalik sa bukid para makauwi ako agad.” Sabi ni Emmanuel sa kanyang asawa sabay halik sa pisngi nito.


Maganda ang pagsasamahan ni Mang Emmanuel at ng kanyang asawa sa kabila ng hirap ng buhay. Ngunit nang mag kolehiyo na ang kanyang mga anak, nahirapan silang mag-asawa dahil sa malaking gastusin. Nag-usap ang dalawa kung ano ang dapat nilang gawin para kumita ng mas maraming pera mapag-aral sa kolehiyo ang apat nilang anak. Isa sa mga kapitbahay nila Mang Emmanuel ay nagtrabaho sa Saudi bilang isang OFW at ito ang naghikayat sa kanya na lumabas din ng bansa para kumita ng mas malaki. Noong una ay ayaw pumayag ng asawa ni Emmanuel dahil ayaw niyang mapalayo ang asawa sa kanya at sa kanyang mga anak. Ngunit napapayag din ito dahil nakita niyang kailangang-kailangan nilang mag sakripisyo para sa kanilang mga anak.

“Mahal kamusta ang mga bata”, nanabik na tanong ni Mang Emmanuel habang kausap ang asawa sa telepono. Isang taon na siyang nagtatrabaho sa Saudi bilang isang dyanitor. “Okay naman mahal sa awa ng Panginoon”, tugon ng asawa sa kanya.



“Magaganda ang grado ng ating anak at isang taon nalang ay magtatapos na din si Jr.” dagdag pa ng kanyang asawa. Lalong nagpupursigi si Mang Emmanuel sa kanyang pagtatrabaho bilang dyanitor, ngunit napansin niyang kulang padin ang kanyang kinikita dahil walang siyang naiipon at ang kanyang sahod ay sapat lamang upang ipadala lahat sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Nag-isip ng paraan si Mang Emmanuel upang kumita ng extrang pera sa mga panahong wala siyang trabaho. Nagbenta siya ng kung anu-ano ngunit hindi ito bumenta hanggang sa isang araw naisipan niyang magluto ng ‘adobong mani’ at ibenta ito sa kalye kagaya ng ginagawa ng ilan nating kababayan dito sa Pilipinas.


Makalipas ang tatlong taon ay umuwi na si Mang Emmanuel sa Pilipinas at nagulat ang kanyang asawa dahil hindi na ito kumuha pa ng isang kontrata.

“Nakaipon na ako ng sapat mahal para sa ating negosyo”, sabi ni Mang Emmanuel sa kanyang asawa habang nasa sasakyan sila pauwi sa kanilang bagong bahay.

“Akala ko ba sapat lang ang sahod mo bilang dyanitor?” tanong ng kanyang asawa.

“Nagbenta ako ng adobong mani habang wala akong trabaho Mahal at nagulat ako dahil nagustuhan ito ng mga taga Saudi pati na rin ng mga kababayan nating mga Pilipino dahil wala pang gumagawa at nagbebenta ng ganun klase ng pagkain.” tugon ni Mang Emmanuel. Masayang niyakap ng asawa niya si Mang Emmanuel sabay sabing “Pinagpala ako at ikaw ang naging asawa ko.”

Nagkaroon nga ng negosyo ang pamilya ni Mang Emmanuel dahil sa kanyang pagtitinda ng mani at hindi na siya bumalik pa sa Saudi para magtrabaho.

Tunay nga na kung gugustuhin mo ay makakamit mo ang isang bagay na nais mo. Kailangan mo lang mag-isip ng tamang paraan at magkaroon ng sipag at tiyaga. Pasasaan pa at makakamit mo din ang iyong mga pangarap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *