Ibinahagi ng Aktres na si Kiray Celis na Takot pa Itong Mabuntis Kaya Ganito Lamang ang Kanilang Ginagawa ng Kanyang Ka-relasyon

Isa si Kiray Celis sa mga artista na tahimik pagdating sa kaniyang love life na mas pinipiling manahimik nalang upang huwag ng mapagusapan ng publiko. Ngunit hindi din naman maiiwasan na may makakita sa kanila ng kanyang nobyo kaya naman inamin na din ni Kiray na masaya siya sa kanyang ka-relasyon ngayon.

Sa isang interview, ibinahagi ni Kiray na hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay at walang ibang nangyayari sa kanila ng kanyang boyfriend maliban sa paghahal!kan. Ayon sa interview ng Philippine Star sa aktres, hinay-hinay daw muna silang magkasintahan dahil hindi pa ito handa na mabuntis at magkaroon ng pamilya.

“Hindi pa, takot ako eh, kiss-kiss lang. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko pa kaya,” sabi ng dalaga.




Ayon kay Kiray, nagumpisa ang kanyang takot na mabuntis ng magkwento sa kanya ang kanyang kaibigang babae.” Girl talk kami ng kaibigan ko tapos bigla niyang sinabi na buntis siya pero hindi daw niya sinasadya! So parang natakot ako na kahit hindi mo gusto, meron palang moments na pwede yung ganung bagay. So takot talaga ako,” dagdag pa ni Kiray.



Hindi makikitang nagbabahagi si Kiray ng kanyang buhay pag-ibig sa social media dahil gusto niya na maging pribado ito para sa kanilang magkasintahan at sa mga malalapit nilang kaibigan at pamilya. “ Mas okay kasi yung walang nakakaalam. Kapag masaya ka hindi naman kailangan ipaalam mo pa sa iba basta alam mo sa sarili mo na masaya ka, okay nay yun”.

Para daw kay Kiray, ang kanyang mga social media accounts ay para sa kanyang trabaho laang at hindi niya kailangan maglagay doon ng mga personal na bagay. Mas pinili din niya na magkaroon ng kasintahan na hindi taga showbiz dahil gusto niyang maiba ang mundo niya kapag kasama niya ito.



Bago pa man siya magkaroon ng bagong boyfriend ay napabalita na ding nagkaroon siya ng relasyon sa isang comedyante na si Kirst Viray ngunit hindi nila ito kinumpirma. Sa ngayon ay hayaan na nating siyang maging masaya sa kanyang buhay pag-ibig.