Matapos Tanggalin sa Trabaho at Mawalan ng Bahay ang Mag-Ama na ito, Hindi Niya Inaasahan na may Isang Mabuting Tao ang Kukopkop Sakanila ng Kanyang Anak at Bibigyan Sila ng Isa Pang Pagkakataon na Bumangon sa Buhay

Gabi na at umuulan, tumatakbo si Mang Rene kasama ang kanyang anak na lalaki upang manghanap ng masisilungan ngunit halos lahat ng bahay ay sarado na dahil gabi na at masama pa ang panahon. Malapit na silang mawalan ng pag-asa, hanggang sa nakakita sila isang liwanag at ng lapitan nila ito.

Nakita nila ang isang bahay na may maliliit na kwarto sa oaligid nito. Pumasok sila sa loob subalit hinarang sila ng isang lalaki. Nagmakaawa silang na makapasok sa loob dahil ginaw na ginaw na ang kanyang anak. Kaya naman tinawagan ng lalaki ang may-ari at pumayag ito na sila ay papasukin.

Agad na inutos ng may-ari na sila ay bigyan ng pamalit na damit at pagkain. At matapos makakain, kinausap ng may-ari si Mang Rene at tinanong kung ano ang dahilan bakit nasa labas pa silang mag-ama sa ganitong panahon.




“Pinalayas po sa aming tinitirahan namin dahil wala na po akong pambayad sa bahay dahil tinanggal po ang mga mang-gagawa sa planta na aking pinagtatrabahuhan.” kwento ni Mang Rene.

Nakiusap si Mang Rene at ikinwento na wala na itong pera dahil hindi man lang siya binigyan ng bonus at sweldo sa kanyang pinagtatrabahuhan. Halos lahat ng edad 50 ay pinalayas sa plantang ito at hindi man lang binigyan ng sahod. Dahil mahirap lamang sila at may edad na, hindi na sila nakipagsapalaran pa na kunin ang kanilang karapatan sa kanilang sahod. Halos isang buwan na rin naghahanap ng trabaho si Mang Rene subalit walang may gustong tumanggap sakanya sapagkat ito ay may edad na.

*image for illustration purpose only

Nahabag ang may-ari sa mag-ama at pinayagan na sila ay tumuloy sa kaniyang paupahan ngunit wala ng bakanteng kwarto dito. Kaya naman tinanong sila ng may-ari kung okay lang sakanila na matulog na lamang sa lugar kung saan nakasilong ang kanyang mga manok. Pumayag ang mag-ama at dito sila natulog buong gabi.

Kinabukasan, pag gising ng may-ari agad niyang pinatingin ang mag-ama sa kanyang katiwala upang kamustahin ang kanilang lagay.



“Mahimbing ba ang inyong tulog kahit doon lamang kayo natulog buong gabi?” tanong ng may-ari.

“Opo sir, nakatulog naman po kami. Pero aalis na rin po kami maya-maya para maghanap ng matutuluyan.” Sagot ng Ama

“Maaari mong iwanan ang iyong anak dito upang ikaw muna ang maghanap ng matutuluyan, kung sakali nakahanap ka ay balikan mo na lamang siya upang mas mapadali ang iyong paghahanap.” dagdag ng may-ari.

*image for illustration purpose only

Sumang-ayon naman ang Ama at dinala niya ang kanyang mga gamit at iniwan ang anak dito. Subalit nang umabot ang ala-singko, bumalik si Mang Rene sa bahay dahil wala raw itong nahanap na matutuluyan. Dahil sa awa ng may-ari, pinayagan niya itong tumira sa kanilang manukan basta sila ay tutulong alagaan ang kanyang mga manok at ang kanyang anak naman ay tutulong sa pagwawalis at paglilinis ng kanyang kapaligiran.



Pumayag si Mang Rene at naging masipag ito sa kahit ano mang iutos ng may-ari. Dahil dito, natuwa ang may-ari at naisipan niya na kupkupin ang dalawa at paswelduhin bilang kanyang mga ‘boy’ sa kanyang bahay.

*image for illustration purpose only
*image for illustration purpose only

Umabot ng ilang taon sina Mang Rene at kanyang anak bilang boy at katulong ng mayaman na lalaking ito. Dahil sa sipag at respeto na kanilang pinakita, binigyan pa ito ng education plan ang anak ni Mang Rene upang makapag-aral ito sa eskwelahan.

Naging malaki ang utang na loob ni Mang Rene sa lalaki at hindi nito naisapang umalis sa kanyang pinagtatarabahuhan dahil para sakanya ay ito na rin ang tinatawag na ‘blessing’ na kanyang hinahanap.

Tunay nga na may mga taong hindi mo aakalain na tutulong sa iyo lalo na kung nakikita nila na ikaw ay may tyaga at may mabuting kalooban. Pinagpala pa rin si Mang Rene na makahanap ng ganitong Amo na kahit hindi sila kilala ay binigyan sila ng trabaho at matutuluyan dahil sa kabutihang loob na rin ng Lalaking ito.