Isang Babae, Madalas ang Pagkirot ng Tiyan Dahil sa Nalunok Nitong Wire ng Kanyang Suot na Braces

Dental Braces ang uso at patok ngayon sa mga kabataan na gustong magkaroon ng diretso na ngipin at upang maayos ang kanilang mga sungki na ngipin. Ito ay ang karaniwang treatment na ginagawa ng mga dentista sa mga gustong magkaroon ng perfect smile.

Isa rin ito sa mga pinaka mahal na dental treatment ng mga dentista. Ang mga dental braces ay idinidikit sa ngipin para mahila ang mga sungki at maiaayos ito sa tamang posisyon.



Subalit talamak na rin ang paglalagay ng mga DIY braces na ipinagbabawal sa mga hindi lisensyadong dentista. Mahigpit itong ipinagbabawal dahil sa komplikasyon na posibleng mangyari sa isang pasyente kung hindi lisensyado ang naglagay nito.

Kadalasan, ang mga brackets ng braces ay nagsisistanggalan kapag hindi lisensyado ang naglagay nito. Tulad nalang ng 30-anyos na babaeng ito na nagpunta sa Sir Charles Gairdner Hospital sa Western Australia dahil nakaramdam siya ng pananak!t ng tiyan.



Ayon sa kanyang blood tests, nakita na maayos ang kanyang mga white blood cells at hindi ito dahil sa Impeksy0n o ano mang kondisyon.

Nadiskubre ng mga doktor na maayos din at normal ang kanyang kidney at liver. Matapos ang dalawang araw, bumalik ang babae sa ospital dahil sa malalang sak!t at kirot ng tiyan.



Nang ito ay matapos na mag pa CT scan sa kanyang tiyan, nakita ng mga doktor na may metallic wire na nakatusok sa kanyang intestine. 

Nakita na tumusok ang wire sa iba’t ibang lokasyon ng kanyang intestine. In0perahan ito at tinanggal ng mga doktor ang wire na nakapulupot sa kanyang intestine.

Ayon sa kanila, 10 years ago nagsuot ng braces ang pasyente subalit hindi nila ito matukoy kung paano ito napunta sa kanyang intestine. Marahil nalunok niya ang maliit na parte ng wire na ito at tumusok ito sa kanyang bituka na naging sanhi ng pananak!t ng kanyang tyan.

Mabuti na lamang at hindi naging malala ang naging komplikasyon nito at naitanggal nila ang wire sa kanyang bituka.

Maging babala sana ito sa mga taong nagbabalak na magpunta sa mga pekeng dentista dahil mas masaklap pa dito ang maaari ninyong maranasan.