Ito ang mga Magagarang Sasakyan ni Coco Martin na may Milyong Piso ang Halaga

Ang pagtatagal sa showbiz ng ilang dekada katulad na lamang ni Coco Martin ay madami ng naambag sa larangan ng industriya ng showbiz. Kaya naman para sa kaniya ay mahala na bigyan ang sarili ng regalo dahil sa mga paghihirap at pagtitiyaga sa kaniyang mga ginagawa.

Sa katunayan, bukod sa kaniyang bahay na mansion sa isang ekslusib village sa Quezon City, ang “Ang Probinsyano” star, ay mahilig din mangolekta ng mga mamahaling sasakyan at motorsiklo na halos kada taon ay siya talaga naman ay gumagastos para dito.

Kamakailan lamang, ang multi-awarded star ay nagpahanga ng kaniyang mga followers at fans sa social media matapos niyang ipost sa kaniyang Instagram ang kaniyang pinakabago sa mga koleksyon ng sasakyan – Isang Toyota Land Cruiser.




Kung hindi kayo aware, bukod sa kamakailan na post niya ng Toyota Land Cruiser na ito, ay marami ding mga sasakyan si Coco Martin na talagang nakaparada sa kaniyang mansion sa Quezon City. Ang kaniyang mga koleskyon sa sasakyan ay nakalista dito:

Ford Mustang Shelby GT500



Ayon sa artikulo na ipinost ng Top Gear Philippines noong Nobyembre 2017, si Coco ay mayroong Ford Mustang Shelby GT500 na nagsisimula sa mga presyong $219,000 o katumbas na 11.3 million pesos.

Toyota FJ Cruiser



Ang presyo lang naman nitong sasakyan na ito ay nagkakahalaga ng 1.9 million pesos base sa presyuhan ng Toyota Philippines.

Jeep Wrangler

Ang sasakyan na ito ay may apat na Black Rhino Wheels na nagkakahala ng 75,000 pesos kada gulong.

Brabus Mercedes G63

Ayon sa website ng Mercedes Benz, ang 2016 model na ito ay mayroong responsible and safe vehicle tuning. Ayon sa Auto Trade ang halaga ng sasakyan na ito ay nasa 11.8 million pesos.

Ang mga sasakyan pang iba ni Coco Martin ay hindi na mabilang at talagang madalang niya itong ilabas sa kaniyang mga garahe dahil sa sobrang dami ng kaniyang pagpipilian.