Marami ang Humanga sa Mag-Ama na Ito na Nakatira sa Isang Maliit na Aparador ng Mahigit 25 na Taon!

Si G. Cao Chu Van, 70 taong gulang at ang kanyang anak na 29 taong gulang, ay nanirahan sa maliit na espasyo na kanilang tinatawag na tahanan sa Hanoi’s Old Quarter, sa Vietnam ng mahigit 25 na taon. Ang kanilang tinatawag na tahanan ay isang maliit at lumang aparador lamang.

May mga ilang nakatira din sa lumang bahay na ito subalit ang kanyang silid ay ang pinakamaliit dahil ito ay nasa loob ng aparador.




Dulot ng kahirapan, nakuntento silang manirahan sa limitadong espasyo na ito dahil wala silang pambayad sa mga gastusin. Ang kanyang mga ari-arian lamang ay ilang mga damit, isang bote ng tubig, salamin, isang suklay, at ilang mga dyaryo. Pinatira ito sa maliit na espasyong ito kahit na walang bayad.


Ang bahay ni G. Cao ay mayroon lamang 1 metrong taas, 2.5 metro ang lapad, at 1.4 na metro ang lalim. Magmula sa hagdanan sa loob ng 16-metres na kuwadrong gusali, ang isa ay maaaring tumingin lamang ng diretso sa kanilang tirahan sapagkat wala itong pinto. Sa loob naman, ay wala rin lamesa o kahit upuan dahil hindi pa kasya kung lalagyan pa ito ng kagamitan. Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng pinto, pabirong sinabi ni G. Cao na ang kanilang tahanan ay siguradong malayo sa kapamahakan dahil walang magkaka-interes na kunin ang kanyang mga kagamitan.

Dahil walang sariling banyo si G. Cao, ginagamit na lamang niya ang pampublikong banyo. May panahon na napaka-init sa kanyang lugar na tila ba parang isang kalan kung ikaw ay titira dito. Dahil sanay na ang lalaking ito sa ganitong sitwasyon, komportable at maginhawa ang kanyang pakiramdam kahit panahon pa ng tag-init.

Tumira si G. Cao ng mahigit 25 na taon sa maliit na espayo na ito. Sanay na rin itong hindi makatayo ng diretso sa loob ng silid dahil ang kanyang kisame ay mababa lamang.

Kaya, ang mga simpleng bagay tulad ng pagpapalit ng damit ay hindi maaaring gawin ng nakatayo. Sa halip, nakakapagpalit ito ng damit habang nakahiga o nakayuko.

Ang kababaan ng silid ni G. Cao at ang kanyang anak na lalaki ay nangangahulugang na silang dalawa ay kailangang humiga lamang sa isang anggulo upang mag-kasya ang dalawa. Araw-araw din itong nagbabasa ng dyaryo dahil ito lamang ang nagbibigay kaalaman sa kanya.

Gayunpaman ang tanging problema o hamon sa pagbabasa ay walang ilaw sa maliit na silid. Nagbigay na lamang ng lampara at bentilador ang kanyang kapitbahay upang maginhawaan ang pakiramdam ni G. Cao.



Walang permanenteng trabaho si G. Cao, at hindi rin siya nakakatanggap ng pensiyon. Inilahad niya na nagsusumikap siyang makakuha ng trabaho dito upang matugunan ang mga pangangailangan. Minsan ay nagttrabaho siya sa isang coffee shop subalit ito ay part-time lamang at palipat lipat siya ng trabaho.

Karaniwan siyang gumagastos ng halos 10,000 hanggang 15,000 Vietnamese Dong o kalahating dolyar, upang bumili ng pagkain sa kalye. Para sakanya ay hindi naman importante kung saan ito bumibili ng pagkain dahil anumang pagkain ay nakakaya niyang kainin dahil hindi ito maselan sa pagkain.

Sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay, ang 70 taong gulang na si G. Cao ay nag-aalala sa kanyang anak na sa palagay niya ay dapat magkaroon ng isang normal na pamilya at mas magandang buhay. Ang pagtira sa maliit na bahay na ito ay tila parang isinara niya ang kanyang sarili mula sa tunay na mundo. Kapag ang kanyang anak ay makakapag-asawa, hihilingin niya dito na baguhin niya ang kanyang buhay at magsikap upang magkaroon ng magandang buhay.



Marami ang nagtataka kung bakit nakakaya at natitiis ito ni G. Cao pero para sakanya ito ang kanyang katuyaan sa kanyang buhay, ” Ako’y matanda na, nakakatanggap ako ng tulong o paggabay sa iba, ngunit hindi ako umaasa ng anuman. Malusog pa ako at mayroon akong sapat na pera upang mabuhay. Nakita mo na ang aking buhay ay mahirap, ngunit nakikita ko na mas masaya ang aking buhay kaysa sa iba, sapagkat mayroon pa akong lugar para mabuhay. Kaya ko kumita ng pera para sa aking pagkain, at sa mga dyaryo na aking binabasa. Maraming mga mahihirap na tao sa mundo, na hindi nagrereklamo tungkol sa kapalaran nila sa buhay.”

source: en