Pinili ng Anak na Sumama sa Kanyang Ama at Iwanan ang Ina, Subalit may Magandang Rason Pala Ito sa Huli na Talagang Maluluha ka!

“Anak gising na mahuhuli kana sa paaralan”, pabulong na sabi ni Andrea sa kanyang anak na nakahiga pa sa kama. Ayaw man niyang gumising, pinilit pa rin tumayo ni Anton para pumasok sa paaralan dahil ito ang nais ng kanyang ina.

Mahirap ang buhay pero masaya, ganito ilarawan ng ina na si Andrea ang kanilang pamilya. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa isang pabrika na pagawaan ng mga tsinelas habang siya naman ay nagtitinda ng mga prutas at gulay sa palengke.




Isang araw habang matutulog na silang mag-asawa, nagpaalam ang asawa ni Andrea na aalis siya ng probinsiya dahil nalugi daw ang kanilang kumpanya at kailangan na nitong magsara. Noong una ay ayaw pumayag ni Andrea na malayo ang kanyang asawa sa kanya, ngunit pumayag na rin ito sa kalaunan dahil naisip niyang kailangan nila ng pera para sa pagpapaaral ng kanilang anak na si Anton.

Patuloy ang pagtatrabaho ni Andrea sa palengke. Simula ng umalis ang kanyang asawa hindi man lamang ito tumawag sa kanila para mangamusta. Nag-aalala siya na baka may masama ng nangyari dito kaya naman panay ang kanyang panalangin na sana bumalik na ito at magpakita sa kanila.

Habang papasok ng bahay matapos sunduin si Anton sa paaralan, may tumigil na magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila Andrea. Pati mga kapitbahay ay nagulat sa kanilang nakita lalo na ng bumaba mula rito ang isang lalaki. Laking gulat nila na ito ay ang asawa ni Andrea.

Biglang umaliwalas ang mukha ni Andrea at niyakap ang kanyang asawa ngunit itinulak siya nito. Nagulat si Andrea sa inasal ng kanyang asawa at inanyayahan itong pumasok sa loob.



“Narito ako hindi para balikan ka Andrea kundi para pirmahan mo ang div0rce paper na ito”, panimulang bati ng asawa kay Andrea. Walang pigil sa pagtulo ng mga luha ni Andrea at hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang asawa. Patuloy ito sa pagsasalita ngunit wala siyang marinig at pakiramdam niya’y namamanhid ang buong katawan niya.

Hanggang sa tinapik siya ng kanyang asawa. “Pumirma ka nalang at hindi na kita guguluhin pa”, dagdag ng kanyang asawa.

“Pipirma ako pero iwanan mo sakin ang anak natin.”, tugon ni Andrea sa asawa.

“ Wala akong paki-alam sa anak natin. Kung sasama siya sa akin eh di mas mabuti pero kung ayaw nia hindi ko siya pipilitin”, sagot ng asawa ni Andrea.

Pumirma nga si Andrea sa div0rce paper kahit hindi nito alam ang tunay na dahilan kung bakit na lamang biglang nagiba ang kanyang asawa. Kinausap nila ang kanilang anak tungkol sa kanilang paghihiwalay at gumuho ang mundo ni Andrea nang piliin ng kanyang anak na si Anton na sumama sa kanyang Ama.



“ Mas magiging maayos po ang buhay ko kay papa ma”, sabi ni Anton habang nakayakap sa ina. Iyak ng iyak si Andrea sa pangyayari subalit parang walang nakikita ang kanyang asawa at anak. Hanggang sa tuluyan na silang sumakay sa kotse at umalis na sa bahay habang si Andrea ay tulala na lamang at tumutulo ang luha dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Simula ng araw na yoon ay hindi na nakatanggap ng balita si Andrea sa kanyang mag-ama. Pinag-uusapan din siya ng kanyang mga kapitbahay at kasama sa palengke dahil sa nangayri. Subalit hindi  nagpatinag si Andrea at patuloy na lumaban sa buhay.

Isang araw nagulat siya ng may nagpadala sa kanyang ng $1000 buwan-buwan na may kasamang sulat na “Mahal Kita”. Walang ideya si Andrea kung saan galing ang pera pero tinatanggap niya ito at itinatago. Makalipas ang ilang mga buwan may sulat siyang natanggap na nagsasabing.

“ Kamusta kana Ma, patawad po kung iniwan kita noon at sumama ako kay papa. Iyon lang ang alam kong paraan para makatulong sa iyo. Kaya ako sumama sakanya ay dahil sa isang rason na alam ko makakatulong sa ating dalawa, kung nagpaiwan ako noon, marahil mas kakayod ka pa ng husto at mahihirapan dahil isa mo pa akong aalalahanin. Sumama ako kay papa dahil alam kong kaya niya akong buhayin at sa paraan na iyon ay makakaya din kitang tulungan sa pamamagitan ng pagbigay ko ng pera saiyo para hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa palengke. Mahal na mahal kita Ina at balang araw magsasama na din tayo. Pagkatapos kong mag-aral babalik ako sa inyo at hindi na tayo magkakahiwalay pa”.

Hindi tumigil ang pagluha ni Andrea sa kanyang nabasang liham at nagpasalamat sa Diyos sa kanyang panalangin na ingatan ang kanyang anak saan man ito naroon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *