Ito ang 10 na Kilalang mga Artista na may Ugaling Kuripot at Pagiging Matipid sa Buhay

Alam nating lahat na halos lahat ng artista ay mayayaman dahil sa kanilang fame at fortune na tinatawag. Sila ang madalas na mayroon ng magagarang mga damit at mga libreng produkto galing sa kanilang ibat’ ibang brand na ini-endorse. Madalas sila din ang nagbibigay ng mga donation sa charity. Subalit alam niyo ba na hindi lahat ng artista ay bongga sa pagbigay ng pera at pagbili ng mga mamahaling kagamitan? Ilan sa mga sikat na artista na mga ito ay mahigpit sa paglabas ng pera na kung tawagin ng iba ay ‘kuripot’.

Hindi naman masama ang pagiging kuripot, maaaring ibig sabihin lamang nito ay sadyang masinop ang mga artistang ito sa pera dahil maaaring mayroon silang pinaglalalaan nito. Ito ang mga artista na may ugaling pagka-kuripot o marunong magtipid ng kanilang kayamanan:




1. Solenn Heussaff

Kilala natin siya bilang isa sa mga “It girls” at lumaki sa marangyang pamilya. Inamin ni Solenn na hindi siya maluho sa kanyang sarili. Kung ang iba ay sandamakmak ang mga mamahaling bag at sapatos, si Solenn ay mayroon lamang isang napakamahal na bag. Kung makikita daw natin siyang may mga gamit na mamahalin ay ibinigay lang ito sa kanya bilang regalo.



2. Luis Manzano

Kilala bilang anak ng mag-asawang artista na sina Edu Manzano at Vilma Santos, si Luis ay tinagurian ng kanyang malapit na kaibigan na si Anne Curtis bilang isang “kuripot”.

3. Anne Curtis

Tinaguriang “Princess of all Media” si Anne Curtis at inamin niyang siya din mismo ay isang “kuripot”. Ayon sa kanya, 80 – 90 percent ng kanyang sahod ay napupunta diretso sa kanyang savings at natutunan niya ang pag-iipon sa kanyang Ilokanang Ina.

4. Sarah Geronimo

Kilala ng marami bilang “Pop Star Princess” si Sarah na kabilaan ang mga shows at concerts nito sa Pilipinas. Subalit alam niyo ba na si Sarah ay isang napakatipid na tao. Bumibili lamang ito ng kanyang mga kagamitan kung kinakailangan pero kapag luho na ang pinaguusapan ay hindi raw ito nag-aaksaya ng pera.

5. Enchong Dee

Ayon kay Maja Salvador na nakasama sa trabaho ni Enchong Dee, “Kuripot talaga yan si Enchong, minsan nga sa shooting kapag kakain na kami ang inaasahan niya lang kami na mga katrabaho niya, ako, si Kim o di kaya naman ay si Xian. Minsan nga noong nagpapagawa siya ng bahay may pagkain na ibinigay si Xian pero hindi niya namalayan na expired na pala yun.”



6. Richard Gomez

Ibinunyag ni Amy Perez na ang kanyang katrabaho na si Richard Gomez ay isang “kuripot”. Ang sagot naman ni Richard ay nangangapa palang siya noong panahon na yon kaya naman hindi niya pa alam paano magbahagi sa kanyang mga katrabaho.

7. JC Santos

Nagpapasalamat si JC sa pagtatagumpay ng kanyang buhay sa industriya ng pag-aartista at ayon sa kanya, wala siyang luho at aminadong “kuripot” din siya. Nagiipon siya kasi ayaw niya ng balikan ang dating buhay niya na napakahirap.

8. Ogie Alcasid

Isang mang-aawit at artista si Ogie Alcasid at aminado siya na isa din siyang “kuripot”. “Kuripot ako sa sarili ko pero pagdating sa mga mahal ko sa buhay binibigay ko lahat ng kailangan at gusto nila.”

9. Kaye Abad

Isang ina si Kaye at umamin din na “kuripot” kaya naman ang kanyang asawa na si Paul Jake Castillo ay panatag na magaling humawak ng pera ang kanyang misis.

10. Pops Fernandez

Kilala bilang “Concert Queen”, si Pops Fernandez ay nagbahagi sa isang interview na maingat siya pagdating sa paghawak ng kanyang pera. “Hanggat maari ay iniiwasan kong magwaldas at kung iniisip ng ilan na pagiging “kuripot” iyon eh di “Kuripot nga ako”, biro ni Pops.