Naalala Niyo Pa Ba Si Cindy Kurleto? Ito na ang Pribadong Buhay Niya Ngayon!

Si Cindy Kurleto ay naging artista sa Kapuso network at naging ex-girlfriend ng aktor na si Jericho Rosales. Ngayon ay hindi na siya lumalabas sa telebisyon dahil mas pinili niya ang buhay sa likod ng camera. Hindi din nagtagal ang relasyon niya kay Jericho Rosales at humantong sila sa hiwalayan.

Ipinanganak si Cindy noong ika-21 ng Abril 1979 at ang kanyang tunay na pangalan ay Cynthia Kristina Kurleto. Naging bahagi siya ng isang telefantasya sa Kapuso network na “Encantadia” bilang si ‘Cassiopea’.

Naging MTV DJ din si Cindy at tinagurian siyang isa sa pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Napasali din siya sa listahan ng Top 10 FHM Philippine’s sx!est women simula 2003 hanggang 2006. Si Cindy ay naging host din sa isang noon time show na ‘Eat Bulaga’.




Naging maganda ang takbo ng career niya sa showbiz noon ngunit mas pinili niyang lumagay sa tahimik na buhay simula ng siya ay ikasal kay Daniel.

Tumira siya sa Peru kasama ang kanyang asawa at pamilya simula 2007 hanggang 2016. Gusto niyang iwasan ang media para nadin magkaroon ng pribadong buhay ang kanyang dalawang anak. Noong 2017, nagpunta ng Vienna si Cindy at ang kanyang pamilya dahil sa kanyang ama na may sak!t. At nang taong din na ito, sumakabilang buhay ang kanyang ama.

Ngayon si Cindy ay ginagampanan ang kanyang responsibilidad bilang asawa kay Daniel at ina ng kanyang mga anak na sina ‘Noa ‘, pinanganak noong 2010 at ‘Lima’ na pinanganak noong 2016.


Kakaiba man ang naging buhay ngayon ni Cindy kumpara noong siya ay nasa showbiz pa, para sa kanya mas masaya ang kanyang buhay ngayon lalo na at nasusundan niya ang paglaki ng kanyang mga anak. Ayon sa isang report, hanggat maaari ay ayaw magbahagi ni Cindy ng kanyang pribadong buhay sa media at sa publiko, hindi niya din nabanggit kung babalik pa ba siya sa mundo ng showbiz.



Ang alam lang ng lahat ay masaya na si Cindy ngayon bilang isang full time mom sa kanyang mga anak.