Vice Ganda, Pinag-aral ang Dalawang Kasambahay sa Kolehiyo at Bago Sila Matapos sa Pag-aaral, Nagbigay pa ito ng Isang Bonggang Supresa Para Sakanila

Sa loob ng anim na taon, sina Jacquelyn Guerrero at Lalaine Freo ay nagsilbing mga kasambahay ng Unkabogable star na si Vice Ganda. Maaaring kilala natin sila sa bansag na Vice Ganda’s Angels at paniguradong nakikita natin sila sa mga snaps at stories ni Vice kabilang na ang video ng “Talo FEU! Walang kakain” kung saan ito ay nag viral.

Noong una, plano ng dalawang dalaga na ito na manatili lamang bilang kasambahay ni Vice Ganda sa loob ng isang tao. Gusto lamang nilang makaipon para sila ay makapasok sa eskwelahan at masustentuhan ang kanilang pagaaral hanggang sa kolehiyo.




Swinerte sila at mismong ang kanilang amo na si Vice Ganda ay nag boluntaryo na siya na ang magbabayad ng lahat ng gastusin nila sa eskwelahan. Bukod dito, si Vice din raw ang halos in-charge sa lahat ng events sa kanilang eskwelahan.

At sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral, nagkaroon ng isang Graduation Ball ang kanilang eskwelahan kung saan talaga namang pinaghandaan ni Vice ang pagpapaganda ng dalawa niyang kasambahay. Nag-hire ito ng makeup artist at hair stylist para sa dalawa.

Ang kanilang mga kasuotan at make-up ay talaga namang ginawan ng paraan ni Vice Ganda. Ang dalawang Angels ni Vice ay nagsuot ng pink gowns na talagang ginastusan pa mismo ng kanilang amo.



Sa isang interview sa dalawang kasambahay ni Vice, isa lang ang nasabi ni Lalaine: “Sobrang saya! Hindi namin makakalimutan ‘yung Grad Ball na ‘to.”

Ipinakita ang kanilang pink gowns at ang before and after look ng dalawa matapos sila ayusan ng makeup artist.

Laking pasasalamat ng dalawa niyang kasambahay na pinag-aral sila ni Vice Ganda at tinuring na para na rin silang mga kapamilya sa bahay nito.


Sa gustuhin ni Vice na makaranas ang dalawa ng graduation ball, inihanda niya ang lahat upang maka-attend ang dalawa. Pinasakay pa nito ang kanyang mga kasambahay sa kanyang magarang sasakyan.

Tunay ngang may magandang loob si Vice Ganda sa kanyang kapwa dahil madalas itong mapagbigay at matulungin sa mga taong nangangailangan.