Pinasilip ni Pops Fernandez ang Loob ng Kanyang Magarang Bahay!

Noong taong 2013, masayang pinaunlakan ni Pops Fernandez ang Yes Magazine na makapasok sa kanyang modernong bahay. Ipinakita niya ng kanyang kusina at hapagkainan.

Marunong man magluto si Pops, aminado siyang hindi siya madalas nagluluto. Minsan kapag nagluluto siya, ang kanyang mga anak na sila Robin at Ram ang tumitikim at nagsasabi kung masarap ba ang kanyang mga gawa. “Kapag nagluluto ako, nakikita ko naman na masaya sila at na appreciate nila ang mga efforts ko. Isang paraan na din naming ito upang magkaroon ng oras para sa isa’t-isa.”sabi ni Pops sa interview.


Ang hapagkainan ng aktres na si Pops Fernandez ay may modernong disenyo at ito ay may sukat na 300 sqm. Makikita ang maraming mga kahoy at salamin sa mga gamit kagaya ng mesa at upuan. Walang ano mang nakaharang sa pagitan ng sala at ng hapagkainan kaya naman nagiging malawak tingnan ang lugar.



Ayon sa isang mahusay sa pag disenyo ng loob ng bahay, ang paglalagay ng matatangkad at malalaking halaman sa loob ng bahay ay makapagbibigay ng buhay sa lugar at maganda din itong panglinis ng hangin.



Kulay pula ang halos kulay ng mga kagamitan sa loob ng bahay ni Pops dahil ito ang kanyang paboritong kulay. Nais niya sana na gumamit ng paresukat na mesa ngunit noong nakita niya ang isang parihabang mesa mula sa Calligaris, natuwa siya sa disenyo nito kaya ito ang kanyang pinili. Makakita ka din ng isang painting sa pader na malapit sa hapagkainan. Ang painting na ito ay regal okay Pops ng kanyang ina na si Dulce Lukban.





Ang kusina naman ni Pops ay isang malawak na lugar. “Sa ganda ng lugar sino ba naman ang hindi gaganahan na magluto dito”, biro ni Pops. Maganda ang pagkakaayos ng lugar dahil habang nagluluto ka pwedeng nandun na rin ang kaibigan mo na naghihitay sa counter at nakikipagusap sa iyo. “Ang ganda lang ng concept na pagkatapos ko magluto pwede ko na din I serve yung ginawa ko dito mismo sa counter at hindi ko na kailangan pang pumunta sa hapag kainan.”sabi ni Pops.

 

source: realliving