Anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin, Maaaring Maging Isang Beauty Queen Balang Araw Dahil sa Kanyang Angking Ganda!

Si Ruffa Gutierrez ay kilala sa industriya ng Philippine showbiz bilang isang model, actress at isang beauty queen. Ang kaniyang mga anak ay sina Lorin Gabriella Bektas at Venice Bektas.

Makikitang lumaki na ang kaniyang mga anak at hindi malabong masundan ang kaniyang yapak. Kapansin-pansin ang kagandahan ng mga ito at unti-unti na nasusundan ang yapak ng kanilang ina sa fashion at entertainment. Hindi malayong sumunod din sila sa yapak ng ina bilang isang beauty queen.




Ang kaniyang panganay na anak ay mas malapit na maaaring maging isang beauty queen balang araw dahil kapansin-pansin ang angking ganda nito. Ayon na rin kay Ruffa ang kaniyang anak na si Lorin ay may angking kagandahan, talino at right attitude na kailangan ng isang beauty queen.

Ngunit sabi ni Ruffa sa tamang training at kapag natapos na nang kaniyang anak sa college ay maaari itong mag represent ng ating bansa kung papalarin.

Sa first endorsement ng kaniyang anak tinanong si Ruffa tungkol sa pagging prospect ni Lorin sa pagsali sa pageants ang sabi ni Ruffa ay wala pang plano si Lorin na gawin iyon at focus pa ito sa kaniyang pagaaral.

Ayon pa kay Ruffa, importante na makapagtapos ito ng pagaaral. Gusto nya rin na matutunan at maranasan niya ang lahat habang siya ay nasa high school pa lamang. At sabi rin ni Ruffa na ang importente ay yung may utak, hindi lang focus yung puro katawan at puma-pangalawa na lang iyon. Dagdag pa niya “Ang importante is what she can do to represent our country”.



Ayon naman sa sagot ni Lorin sa kaniyang interview, hindi ito mag sasabi ng “No” o tatanggi kapag dumating na ang opportunidad sa kaniya. Sa local showbiz man ito o pageantry. Inamin rin nito na hindi pa nito kayang hawakan o harapin ang pressure ngayon. Ngunit more than willing naman ito na harapin ang mga bagong challeges.




Ayon na rin sa kaniya na nakapaimportante na makapagtapos siya ng kaniyang pagaaral dahil kapag nangyari ito mas masasagot niya ang mga tanong sa kaniya ng mas mahusay. Sa ngayon, nagsusumikap muna si Lorin sa kanyang pag-aaral upang matapos niya ito.