Inakala ng Netizen na ‘Witch’ ang Matandang Babae na Ito sa Siquijor Subalit Hindi Niya Inaasahan na Ito Pala ang Magiging Reaksyon ng Matanda!

Ang Siquijor ay tinawag na ‘Island of Witches’ na nagsimula noong panahon ng Spanish colonial. Ngunit bago pa man iyon ay kilala ang islang ito na centro ng trade and commerce sa rehiyon ng Visayas. Noong mga panahon ng pagsakop ng mga Espanol sa Pilipinas ay ilan sa kanilang mga miyembro ay nagkasakit at kinakailangan na mag pahinga sa malapit na isla. Nagtanong sila kung maaring magamot ng mga nakatira doon ang kanilang kasama at nang napagalaman nila ang kakaibang uri ng paggamot sa naturang isla ay umalis sila agad sa isla.

Kaya umugong ang mga kwento at balita na marami ritong nakatira na witches o mangkukulam. Halos lahat ay narinig na ang mga misteryo tungkol sa mga witches sa Siquijor sa Central Visayas. Dinagdag pa rito ang mga voodoo dolls, gayuma, at mga hindi makatotohanang magic para lang sa usapang nakapagpapadagdag ng mga kasabikan.

Noong 2013 pinost sa isang social media account ng isang netizen ang isang istorya tungkol sa pagbabago ng kaniyang paniniwala sa mga masamang mangkukulam o witches. Ayon kay Hannah Reyes Morales ay may isa siyang pinagsuspetsyahan na matanda na isa siyang witch, manggagamot, o shaman dahil sa madilim na kalangitan na nakasunod sa kaniyang likuran. At sa mga gumugulo sa kaniyang isipan ay sumakay siya sa kaniyang bike at pinuntahan ang matandang babae para malaman ang gumugulo sa kaniyang isipan.




Kilala si Hanah bilang isang photojournalist at sa kadahilanang iyon ay hindi siya nagdalawang isip na tanungin ang isang matandang babae kung pwede itong kuhanan ng picture.



Isinagot naman ng matandang babae ay wala siyang pera at ang alam ni Hannah ay humihingi ito sa kaniya ng limos. At nang kinuhanan niya ito nang litrato ay ipinakita niya ito sa matanda. Nang nakita ang kaniyang litrato na halos abot tenga ang kaniyang mga ngiti. sinabi muli ng matanda na wala itong pera. At doon napagtanto ni Hannah na ang tinutukoy ng matanda ay wala itong pambayad sa kaniya. Muling nagsalita ang matanda at sinabi sa kaniya na ang kaniyang hawak-hawak na itlog na binili lamang kanina ay siya lamang ang maibibgay nito para sa pambayad. 

Kapansin-pansin ang saya ng matandang babae sa kuhang litrato ni Hannah at ayon na rin sa matanda sinabi niya kay Hannah na napakasaya nito sa kaniyang ginawang pagkuha sa kaniya ng litrato.


Umani naman ng mga magagandang komento mula sa mga tao ang litrato ng matandang babae. Ang mga ngiti nito na walang katumbas at nakapagbibigay ng kasiyahan sa sinomang makakakita nito.