Kakaibang Wedding Prenup Photoshoot sa Isang Fastfood Chain ang Ginawa ng Magkasintahan na Ito na Talaga Naman Nag-viral sa Social Media

Ang kasal ay ang pinakamahalang bagay na maaring masubukan ng isang tao sa mundo. Dito, makakapanuod tayo ng isang araw na puno ng pagmamahalan, komitment at dedikasyon ng dalawang tao. Hindi mahalaga kung ikaw ang ikinakasal, kung ikaw ay parte ng isang seremonya, o ikaw ay inimbitahan lamang. Basta alam natin na ang kasal ay isang napakatinding karanasan ng isang tao na talaga namang tatatak sa ating buhay.

Syempre, hindi naman natitigil ang lahat ng mga ito sa loob lamang ng isang araw. Mga memories, moments at feelings ay maaring makuha natin sa isang ganitong event. At bilang mga tao, gusto natin na ito ay tumagal pang habang buhay. Dahil dito, marami ang mga kinakasal ang gumagawa ng kanilang pagdodokumento o mga videos sa kanilang weddings. Kasama na dito ang pagdodokumento ng mga pangyayari bago ang kasal, habang kinakasal at pagkatapos ng kasal.




Kamakailan, isang wedding video ang viral sa social media dahil may mga element silang ginamit na talagang umagaw pansin sa mga netizens. Gaya ng alam natin, ang mga weddings videos ay may kaniya kaniyang mga factors na nagpapaespesyal dito. Para sa couple na sina Ansel at Ira, ang kanilang wedding video ay kumalat sa social media. Gaya ng mga ordinaryong video may mga romantikong background music, mga cinematics at mga heartfelt speeches ang dalawa. Pero ang pinakakakaiba dito ay ang lokasyon ng kanilang video na kinuhanan sa isang local Jollibee Branch.



Maraming mga tao ang nagaaksaya ng kanilang mga pera sa mga magagarbong lugar gaya na lamang ng mga 5-star hotels. Sa kabilang banda, ang couple na ito ay umisip ng kabaliktaran na maaring maisip ng mga tao na affordable gaya ng fastfood chain. Ang pinakakakaiba sa video ay ang paglitaw mismo ni Jollibee. Talagang paniguradong Beeda ang Saya para sa dalawang mag nobyo na ito dahil sila mismo ay kumalat at sikat na sa internet. 



source: facebook