Kinaiinisan na Aktres sa Teleserye na ‘Halik’ , Meron din naman palang Ibubuga sa Tototong Buhay!

Marami ang nanonood at nagsusubaybay ng kwento ng teleseryeng “Halik” gabi-gabi. Naging laman din ito ng usap-usapan kahit saang lugar at lalo na sa social media.

Lahat ng teleserye o palabas ay mayroong bida at kontrabida. Si Jade ang kinaiinasang babae sa palabas na “Halik”. Gigil na gigil ang mga manonood sa mga ginagawa niyang nakakainis upang parusahan at galitin ang bidang babae na si Jacky.



Si Yam Concepcion ang gumaganap sa kontrabidang si Jade Bartolome. Marami man ang nagagalit sa kanyang pag-ganap sa teleserye, natutuwa naman si Yam dahil alam niyang nagagampanan niya ng maayos ang kanyang role bilang kontrabida.
Dahil din naging laman siya ng usap-usapan ng mga manonood, bigla siyang naging sikat na artista.

”Hindi ko naman ini-expect na ganun ‘yung reception na matatanggap namin sa show, especially sa characters namin with Jade”, sabi ni Yam.

“Nakaka-flatter kasi parati kaming puyat, pinaghihirapan namin talaga, inaaral ko rin ang character ko. And it’s nice that people appreciate it.”sobrang saya na sabi ni Yam sa isang interview. Parang nawawala ang kanyang pagod kapag nakikita niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang palabas na “Halik”.


Sa mga post ni Yam Concepcion sa kanyang social media, kitang-kita ang kagandahan ng mukha at katawan ng aktres. Minsan natatawa din daw siya sa mga comment ng mga netizens sa kanyang role na si Jade dahil kahit istilo ng pagtakbo ay napapansin pa nila.



“Pati butas ng ilong ko kapag umiiyak ako, lahat na pinapansin nila. Nakakakilig kasi minsan sasabihin nila na “I hate you Jade pero I love you Yam”, nakakataba lang ng puso”, sabi pa ni Yam.

Sa totoong buhay, masaya si Yam Concepcion sa kanyang kasintahan sa loob ng apat na taon hanggang sa kasalukuyan. Maliban sa pag-arte, nakahiligan din ni Yam ang musika at kaya niyang tumugtog ng drums o di kaya naman ay ukulele. Makikita nag kanyang pagmamahal sa musika sa kanyang social media.