Makisig Morales, Nag-Propose na sa Kanyang Beauty Queen Girlfriend na Half-Australian na si Nicole Joson!

Ang dating ‘Super Inggo’ na child star at ang ngayon ay ‘Bagani’ aktor na si Makisig Morales ay muling pinainit ang Social Media nang mag propose ito sa kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Nicole Joson na isa rin beauty queen.

Ipinakilala niya ang kanyang fiancée na si Nicole Joson sa kanyang Instagram post noong nakaraang linggo. Noong una ay kinabahan daw ang 21-year-old aktor dahil hindi siya sigurado kung sasagot nga ba ng ‘oo’ ang kanyang girlfriend.




Si Nicole ay isa rin half-Filipino at half-Australian na naging isang beauty queen noong sumali ito sa Miss Earth Australia noong taong 2017.

Sa Instagram post ni Nicole ay naka-post ang litrato ng isang dessert plate na may nakasulat na “Will You Marry Me?”.

Ayon naman sa isang interview ni Makisig ibinahagi niya na ito ay nag propose sa isang fine dining sa Perth. Kilala ang restaurant na ito dahil isa itong revolving restaurant kung saan habang kumakain ay umiikot ang buong floor ng restaurant at makikita ang napakagandang view ng Perth.

Nagbahagi rin si Nicole sa kanyang Instagram post ng kaunting pasilip ng marriage proposal ni Makisig para sakanya na kung saan may caption na, “He stole my heart, so I’m stealing his last name”.



Unang ibinahagi ni Makisig Morales sa Social Media ang kanilang picture ni Nicole Joson noong August 26 na siya namang ikinagulat ng marami.

Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung kailan ang kanilang wedding day subalit nagpaplano na ang dalawa kung kailan at saan nila ito gaganapin.


Umani ng napakaraming likes at comments ang marriage proposal ni Makisig Morales dahil hindi inaasahan ng marami na mayroon pala itong napakagandang girlfriend na kung saan isa pa itong Beauty Queen.

Marami ang natuwa para sa aktor dahil ang kanilang dating iniidolong child star ay isa nang successful adult ngayon. At talaga naman napakaganda ng kanyang fiancee kaya naman marami ang natuwa dito.