Kilalanin ang 7 na Celebrities na Naging Ex-Boyfriend ni Kris Aquino!

Ang queen ng social media na si Kris Aquino ay hindi nawawala sa mga headlines ng mga balita lalo na kapag pinagpipyestahan ang kanyang mga ‘witty’ post sa social media. Siya ang actress na kilala hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte, kilala din siya sa kanyang mga naging kasintahan na mga sikat na aktor sa industria. Ang buhay ni Kris Aquino ay laging sinusubaybayan ng mga manonood dahil sa kanyang angking pangalan at kayamanan at ang galing niya sa pag-host.

Sino sino nga ba ang mga naging ex-boyfriend ni Kris Aquino? Narito at kilalanin ang mga ito:




1. Alvin Patrimonio

Kilala siya bilang isang endorser ng TJ Purefoods Hotdog si Alvin Patrimonio ay naging isa sa crush ng Social Media Queen na si Kris Aquino. Pareho silang pumapasok sa isang relasyon noon pagtapos ng basketball player na ma in love sa kanyang asawa. Ngunit ang pag-ibig nila ay hindi nag tagal dahil si Alvin Patrimolo ay bumalik sa kanyang dating asawa at iniwan si Kris na umiiyak.

2. Richard Gomez

Isang actor at politician na si Richard Gomez ay nagkasama sa isang pelikula na “Ang siga at ang sosyal” noong taong 1992. Pero hindi nag tagal ang kanilang pagsasama ay hindi natupad. Si Kris Aquino ay magkaibigan ngayon kay Richard Gomez at Lucy Torres na kanyang asawa.



3. Robin Padilla

Ang kilalang bad boy na si Robin Padilla ay pinag-uusapan na naging ka-relasyon niya umano si Kris Aquino. Ngayon ay kasal na si Robin Padilla kay Mariel Rodriguez at may isang babaeng anak.

4. Philip Salvador

Ang isa nanamang actor na si Philip Salvador ay isang lalaki sa buhay ni Kris. Pumasok ang actor sa buhay ni Kris noong 20’s pa lamang siya. Si Philip Salvador ang tatay ng kanyang panganay na anak na si Josh.

5. Joey Marquez

Nagkaroon ng relasyon ang actor pagtapos lamang niyang makipag-hiwalay kay Alma Moreno. Ang kanilang paghihiwalay ay may masamang pagtatapos dahil nagkaroon ng balita na STD ang rason ng kanilang paghihiwalay.

6. James Yap

Pagtapos ni Kris Aquino sa kanyang relasyon sa action star ay nagkaroon siya ng relasyon sa isang sikat na basketball player na si James Yap ngunit ang kanilang relasyon ay nagtagal lamang ng hanggang 5 taon. Nagkaroon sila ng isang lalaking anak ngunit nag desisyon na sila na iannul ang kanilang kasal.



7. Herbert Bautista
Ang Quezon City Mayor na si Herbert Bautista ay kabilang sa espesial na lalaki sa buhay ng actress na si Kris Aquino. Nagkaroon sila ng short romance ngunit mabuting magkaibigan ang dalawa ngayon.