Mag-Ingat! Kapag kayo ay Nakakita ng Nakataling Malaking Halaga ng Pera, Huwag Ninyo Itong Kukunin Dahil Ito ang Maaaring Mangyari!

Ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) ay kailangan maging matalina, alerto at mapagmatyag. Habang ang mga panganib dito sa ating bansa ay hindi nagkakalayo sa mga panganib na mayroon sa ibang bansa, mainam na maging aware dahil hindi natin teritoryo iyon. Para makatulong sa kapwa OFW, isang netizen ay nagbahagi ng kaniyang karanasan sa panibagong scam na mayroon sa ibang bansa.

Si Suante Agguirre ay isang OFW na nagtratrabaho ngayon sa Saudi Arabia. At dahil may karanasan siya sa isang panganib sa ibang bansa, naisip niya na ang makakaintindi sa kaniya ay kapwa padin na mga Pinoy.

Kaya naman naisip niya na bigyan ng babala din ang mga kapwa Pinoy niya sa isang sc@m na kamakailan ay kaniyang naranasan.

Si Suante ay nakakita ng malaking halaga ng pera noong siya ay nagpark ng kaniyang sasakyan sa isang daan. Ang pera ay nakatali ng isang rubberband na mapapansin ng kahit sinong dumaan dito.




Buti na lamang at mas naging alerto si Suante nang makita niya ang pera na ito. Hindi hinawakan ni Suante ang pera at inusog niya na lamang sa kanyang sasakyang sa ibang parte ng kalsada. Siguro kung iba ang nakakita ng pera, ang una nilang gagawin ay pupulutin ang perang ito.May kutob si Suante na baka ito ay may kaakibat na panganib kung pinulot niya ang pera.




Pagkatapos niyang pumarada, ay ito ang kumumpirma sa kaniyang kutob: mayroong dalawang lalaki ang lumapit sa kaniya at nagtatanong kung may nakita itong pera.:

May nakita daw akong pera sa pinagparkingan ko. Bat hindi ko raw kinuha sabi ko bakit ko kukunin hindi naman sa akin yun. Sabi ng isang kasama niya patingin daw wallet ko”



“ SABI NG ISANG LALAKING MAITIM TATAWAG DAW SYA NG PULIS SABI KO OK CALL THE POLICE AYAW NMAN NILA PINDUTIN CP NILA PARA TUMAWAG NG PULIS SABI KO AKO NA LANG TATAWAG NG PULIS PARA ALAM NG PULIS ANG GINAGAWA NILANG PANG LOLOKO SA TAO BIGLA SILANG UMALIS AT KINUHA NILA ANG PERA NA NAKITA KO”