Pagktapos ng kontrobersiya niya sa ikaanim na season ng “Pilipinas Got Talent” noon, si Robin Padilla ay nanatiling aktibo padin sa industriya. Naging parte din si Robin sa daytime television series na “Sana Dalawa ang Puso” kasama niya doon si Richard Yap at Jodi Sta. Maria.
Ngunit, ang 48 year old na Kapamilya star ay binunyag na maaring malaos siya sa industriya sa mga darating na panahon. Base sa kaniyang interview sa social media, ang desisyon niyang magpahinga sa industriya ay malalaman sa pagtatapos ng kaniyang palabas ngayon.
Ayon kay Robin Padilla, ang industriya ng showbiz ay hindi talaga patas. Sentimo ng aktor na kailangan magpalit ng showbiz at magbago ng kanilang paniniwala. “Hindi ko na priority talaga. Sa totoo lang, kasi ang showbiz kasi hindi siya… Isang sangay siya ng industriya na hindi siya fair. Kahit saan mo tingnan hindi siya fair. Yung oras ng trabaho, labor, hindi talaga. Isang bagay siyang conflict sa isang taong may gustong pagbabagong mangyari. Mahirap talaga ang showbiz. Kailangan din siyang baguhin somewhere.”
Sa kaniyang pagiisip, binahagi ng aktor na ginawa niya lahat ng kaniyang makakaya upang mabago ang Sistema ng industriya. Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Robin kung bakit may mga ilang beses na hindi niya maibigay kay Mariel Padilla ang buong sweldo nito. “Kasi ang nangyayari nauubos ako, eh. Yung suweldo ko nauubos, kasi yung nakikita kong injustice binibigay ko na lang sa tao which ako ang nasasakripisyo. Meron akong sariling DSWD. Ang mangyayari, tatanungin ako ng asawa ko, asan yung suweldo, eh, ano, eh… ganun, eh.”
Sa kabila lahat ng nangyayari, isinuwalat ng aktor na ang kaniyang asawa ay naiintindihan naman kung bakit ganoon ang nangyayari. “Wala tayong magagawa, may humihingi ng tulong. Alangan namang isipin mo pa yung take home pay mo. Kalokohan ‘yon.”
Sa ngayon, nagfofocus pa rin ang aktor sa kanyang career at lalo na sakanyang asawa at anak na si Isabella.