Sila ang mga Dating Sikat na Arstista na Nawala Sa Showbiz Dahil Namuhay Na ng Pribadong Buhay Sa Abroad!

May mga artista noon na sumikat ngunit bigla bigla na lang din silang naglaho. Iyon naman ay dahil mas pinili nila na mamuhay ng pribado sa ibang bansa. At kahit naman hindi na sila nakikita sa telebisyon ay mayroon na silang masayang buhay at natupad na ang kanilang mga personal na pangarap.

Narito at kilalanin sino-sino ang mga Filipino celebrities na ito!

1. G Toengi

Nakilala si Giselle Toengi noong taong 90’s dahil sa husay sa pag-arte at pagsasayaw. Ngunit pinili niya na umalis ng showbiz upang ituloy ang kanyang pag-aaral sa abroad. Nagkaroon siya ng degree sa University of California, Los Angeles. At ngayon ay masaya na siyang nagtatrabaho bilang communications director sa Tanduay USA.





2. Beth Tamayo

Isa rin sa mga prominenteng Filipina celebrities noong 90’s si Beth Tamayo. Ngunit kahit mayroon siyang magandang career noon sa showbiz ay iniwan niya ito upang mag-settle na sa United States. Siya ay nanirahan sa New York City at ngayon ay masayang nagtatrabaho sa isang investment company.

3. Carol Banawa

Si Carol ay nakilala bilang isang magaling na singer dahil sa kanyang golden voice. Palagi siyang lumilitaw noon sa Sunday noontime show na ASAP at gumanap din sa iba’t ibang tv shows at pelikula. Ngunit kahit gaano pa siya kasikat noon ay pinili niyang ituloy ang kanyang pangarap na maging nurse sa Washington D.C., USA. Nagpakasal na rin siya sa kanyang partner na si Ryan Crisostomo at nagkaroon ng sariling pamilya.



4. Nancy Castiglione

Nakilala ang Filipina-Italian actress/vj na si Nancy noong taong 2000’s. Ngunit pinili niya na mag-settle sa Canada kasama ang kanyang asawa at mga anak. Siya ngayon ay naninirahan sa Great White North at nagtatrabaho bilang isang business development manager at successful vlogger.

5. Anjanette Abayari





Ang beauty queen-turned-actress na si Anjanette Abayari ay naging prominente ang kanyang pangalan noong napanalunan niya ang title bilang Bb. Pilipinas noong 1991. Siya rin ang isa sa mga mapalad na artista na gumanap bilang Darna. Ngunit nagkaroon ng hiatus sa kanyang career dahil sa substance issue at nanirahan na lamang sa United States kasama ang kanyang pamilya.


6. Joyce Jimenez

Nakilala si Joyce bilang isang aktres na “Pantasya ng Bayan” noong 90’s na gumanap ng mga daring roles sa mga pelikula. Ngunit bigla na lamang siyang umalis sa showbiz noong 2008 dahil nagdesisyon itong magpakasal sa kanyang Filipino-American partner na si Paul Ely. Sila rin ay nagkaroon ng tatlong anak.