Kaya Pala mas Pinipiling Umuwi ni Alden Richards sa Laguna Dahil sa Kanyang Napakalaking Mansion

Lahat naman siguro tayo gustong-gustong makauwi sa ating mga bahay at humilata sa kama matapos ang isang nakakapagod na araw sa trabaho. Ganito din daw ang nararamdaman ni Alden Richards na isang Kapuso actor.

Alam niyo bang bumabyahe pa pauwi ng Laguna si Richard para lang makauwi at matulog sa bahay niya? Tama, ang inyong nabasa, bumabyahe nga ang aktor at sinusuong ang trapiko upang bumalik sa kanyang tahanan matapos ang trabaho.




Ayon kay Alden, sinisikap niya talagang makauwi ng bahay nila sa Laguna kahit na ang kanyang trabaho ay nasa Quezon City. Hindi hadlang ang trapiko para bumalik sa bahay niya ang aktor matapos ang trabaho nito.

Umaabot ng mahigit sa dalawang oras ang byahe ni Alden galing Laguna papunta sa kanyang trabaho at ganoon din naman pabalik. Mukha man itong nakakapagod pakinggan, nakasanayan na ito ng aktor at gusto niyang ginagawa ang bagay na ito.


Talaga naman masarap umuwi sa isang bahay kung ganitong kalaking mansion ang iyong uuwian. Dahil sa success ng kanyang career, naipatayo ni Alden ang kanyang malaking bahay. Espesyal sa kanya ang bahay na iyon at naglagay siya ng mga disenyo na ikakatuwa ng kanyang lola Linda.

Gusto ko ‘yong kusina maluwag, kasi that’s the way she wanted it. Kahit matanda na siya, she’s 80, gusto pa rin niya nagluluto. Gusto niya maaliwalas na kusina, unlike our kitchen before na masikip. That’s the original concept talaga. I want a house where my family can move around freely and comfortably”, sabi ng aktor sa isang panayam sa kanya.



Malapit sa puso ni Alden ang bahay nila sa Laguna dahil dito na siya lumaki. Pinagawaan niya din ng espesyal na altar ang kanyang yumaong ina na si Rosario Faulkerson. Maraming ala-ala ang bahay na iyon kaya naman hindi ito maiwan-iwan ni Alden.

Sinabi din ni Alden na hindi para sa kanya ang pagtira sa siyudad dahil para sa kanya, mas pipiliin pa nitong umuwi sa kanyang bahay kung saan siya komportable.

source: realliving

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *