Sinurpresa ni James Reid si Nadine Lustre ng Isang Luxury Car na Humigit Kumulang na 2 Milyong Piso sa Kanyang Birthday!

Robert James Reid o mas kilala sa pangalan na James Reid sa industriya ng show business. Nagsimula ang kaniyang karera sa industriya ng manalo bilang PBB Teen Clash noong 2010. Isa siyang Filipino-Australian actor, dancer at singer. Maraming mga taong humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang taglay na kagwapuhan at talent.

Matapos na magawa ang pelikulang ‘Diary ng Panget’ na pinagbibidahan niya at nang kaniyang girlfriend na si Nadine lustre, na siyang lalong nagpasikat sa kaniya. Kasabay na rin nang pagbuo ng kanilang loveteam ni Nadine Lustre at James Reid. Isa sila sa mga hinahangaan na loveteam at nakapagbibigay ng insipirasyon sa mga netizens. Mapapelikula, telebisyon at music video ay talaga namang patuloy na sinusoportahan sila ng mga netizens.

Sa mga nakalipas na araw ay talaga namang pinag-usapan ang balitang naglilive-in na ang dalawa. Makalipas ang kontrobersyal na pahayag ay naging mainit ang mata ng mga netizens sa kanila sa social media. Sa kahit ano mang kilos ang gawin nila, bawat pahayag, pananamit ay laging nakamata ang mga netizens sa kanila.



At Kamakailan lamang, Umuugong ang mga reaction at balitang niregaluhan ni James Reid si Nadine Lustre ng isang luxury car sa kaniyang birthday.


Base sa nakuhanan na video, Sinundo ni James ang kaniyang on and off screen partner na si Nadine sakay ang napakagandang, mamamahaling sport car na Ferrari 488 Spider para tumungo sa lugar kung saan gaganapin ang birthday party ni Nadine.


Makikita sa video na habang bumababa si James sa naturang sasakyan ay gulat na gulat ang naging reaction ni Nadine. Suot ang white mask binati ni James at nang kaniyang mga kaibigan ng happy birthday si Nadine. At sumakay ang birthday girl na suot ang kaniyang outfit na ‘Powerpuff Girl’ villain na si ‘HIM’ patungong The Island PH sa Taguig na kung saan gaganapin at ipagdidiwang ang kasiyahan sa kaniyang birthday.

Nakakaloka nga naman ang balitang ito kaya pinag-uusapan at pinagtatalunan ng mga fans at netizens kung reagalo nga ba ito ni James kay Nadine para sa kaniyang girlfriend. Hindi biro ang halaga ng sasakyang ito dahil nagkakahalaga ito ng Dalawamput Pitong Milyong Piso.



Naiwang hindi malinaw kung ang sasakyan na ito ay kay James nga ba at ireregalo kay Nadine o nirentahan lamang. Ngunit kahit ano pa man ang totoo ay kitang kita kung gaano kamahal ni James si Nadine dahil sa kaniyang mga effort na ginagawa, ganun rin naman si Nadine sa kaniya. At ayon kay james, ang gusto lamang niya ay sorpresahin ang kaniyang girlfriend sa kaniyang birthday. Nagawa nga naman niya ito, Hindi lang si Nadine ang nagulat kung hindi pati ang mga fans at netizens.