Ibinahagi ng Binata na Ito ang Sampung Dahilan Kung Bakit Mas Pinili Niyang Mabuhay ng Walang Ka-relasyon!

Noong unang panahon, ang pagkakaroon ng kasintahan ng isang kabataan ay isang sagradong gawain para sa mga nakakatanda. Ang sabi nga ng ilan, kapag nakita ng matatanda na naghawakan na kayo ng kamay ay dapat na kayong magpakasal. Ang ilan naman ay dumadaan sa matinding pagsubok o mga gawain na hinihiling ng magulang para maging kasintahan mo ang kanilang anak.

Isang binata ang nagbahagi sa Facebook ng kanyang mga dahilan kung bakit mas pinipili niyang mabuhay ng walang karelasyon. Una sa mga ito ay dahil mas pinapahalagahan niya ang kanyang mga magulang at nais niya munang matulungan sila at tumanaw ng utang na loob sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga ito sa kanya. Nais din niyang matupad muna ang kanyang mga pangarap at pag-asenso sa buhay at patunayan sa mga taong nagmamaliit sa kanya na kaya niyang maabot ang mga ito balang-araw.





Sampung dahilan ang inilahad ng binata at marahil iniisip ng iba na nasasabi niya ang mga ganoong bagay dahil hindi pa siya nakaranas ng pag-ibig ngunit nagkakamali sila. Nagkaroon na din siya ng kasintahan at naging matagal ang kanilang relasyon ngunit nauwi padin sa hiwalayan. Ayon sa kanya, mahirap mapanatili ang isang relasyon lalo na kung parehas kayong mga bata at marami pang hindi alam sa buhay. Dahil dito natutunan niyang magsumikap muna at ayusin ang kanyang sarili upang sa muling pagkakataon na kumatok ang pag-ibig ay handa na siya para harapin ito.







Sabi pa ng lalaki na marami ang magagandang bagay ng pagiging “single”. Wala di umanong pumipigil sa kung anong nais niyang gawin o nais niyang puntahan.Nagbigay din siya ng payo sa mga kabataan na ang unahin ay ang pag-iipon sa pag-aasawa nila.

Masaya naman daw siya sa buhay niya kahit wala siyang kasintahan dahil ipanaparamdam ng kanyang mga magulang at kamag-anak ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Umani ng maraming reaksyon at komento ang post na ito ng binata at ang ilan ay natuwa sa kanyang ginagawa, samantalang ang iba naman ay hindi nasiyahan at nag-isip pa ng masama sa binata.

Kayo, ano ang inyong palagay sa mga dahilan ng lalaki kung bakit niya mas piniling maging “single”?