Kahit na Malakas na ang Bagyo, Hindi Nagpatinag si Tatay na Magtinda ng Kanyang Gulay Upang may Pambili ng Makain sa Araw na Iyon!

Kahit anumang sakuna ang dumating sa ating mga Pilipino, hindi ito sagabal sa paggawa ng ating mga gusto o pagsalba nito kahit na hindi na natin naaalagaan ng mabuti ang sarili. Minsan kapag usapang bagyo, ang iba ay hinihintay nalang magsuspend ang klase pero para sa mga nakatatandang nagtratrabaho kailangan pa nilang sumulong sa baha at malakas ba ulan para lamang makapasok sa trabaho at makatanggap ng pera na makakatulong sa pamilya.




Siguro lahat tayo ay may mga masasamang experience dahil sa bagyo pero hindi man natin napapansin na mas Malala pala ang nararanasan ng ibang tao. Isa sa mga ito ang isang tatay na nagtitinda ng gulay kahit n amalakas na ang ulan para lamang kumita ng pera at makabili ng pagkain para sa pamilya.

Alam rin nating mahilig ang mga tao sa pagtambay sa kanilang Facebook sa ngayon, aminin man natin o hindi, ito lang ang libangan natin at para makabalita sa mga nangyayari sa paligid natin. Isang Facebook user na pinangalanang Anne Lorraine Olarte ang kumuha ng isang picture ng matandang lalaki habang nagbebenta ng tinda niyang gulay sa gitna ng malakas na ulan. Ang tanging gamit lang ni Tatay ay ang payong at dahoon ng saging panakip sa sarili at mga tindang gulay.

‘Kawawa naman si tatay kahit malakas ang ulan kanina angtitinda pa rin siya ng gulay. Ingat ka po lagi tatay. Godbless you po.’


Iyan ang nakalagay na cation sa post ni Anne, at nakakuha naman ito ng 51k shares, 20k comments at 38k rections. At makikita sa may comment section na maraming netizens ang nagmemention sa iba’t ibang programa, Kapuso man o Kapamilya tulad ng ‘Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)’ at ‘Rated K’ ang mga sikat na programang maaaring makapagpakita kay Tatay sa buong mundo.

Nakaani si tatay ng iba’t ibang reaction mula sa netizens lalo na ang paghanga dahil sa kaniyang kasipagan at pagmamahal sa pamilya upang mapakain lamang ang mga ito.

Kaya kung nababasa mo man ang article na ito ngayon sana’y ibahagi mo rin ito sa iba para makatulong ka naman sa Tatay na ito o kaya naman patuloy sana tayong magshare ng kanyang litrato para mafeature siya sa isang TV program.