Halos 20 na Taon na Niyang Crush ang Babaeng Ito, Nagulat ang Lahat ng Sila ay Nagtagpo Muli at Ito na ang Sumunod na Nangyari

Ang pag-ibig ay tunay ngang kahanga-hanga. Pinaglalapit niya ang puso ng dalawang tao na hindi naman magkaano-ano. Sa dinami-dami ng tao sa mundo iba-iba ang kwento ng pag-ibig ng bawa’t isa. Ang ilan ay nagtapos na masaya samantalang ang iba naman ay hindi pinalad na magtagal.

Karaniwan na ang pagkakaroon ng hinahangaan at nagsisimula ito madalas sa paaralan habang tayo ay mga paslit pa lamang. Ito din ang mga panahon kung saan pinagpapares tayo ng ating mga magulang sa ating kamang-aral. Ang ilan sa atin siguro ay naranasan na mag-propose sa ating hinahangaang babae habang tayo ay nasa preschool pa lamang.




Isang kwento ng mag-asawang Laura Scheel and Matt Grodsky ang nagpakilig sa mga netizens ng ibahagi nila sa social media ang kung paano nagsimula ang kanilang pag-ibig. Sabi ni Matt ang pinaka-naaalala niya noong bata pa siya ay nag-propose siya sa kanyang kamag-aral na si Laura.



“One of my very first memories is of being 3 years old and standing up in front of my pre-school class, declaring that I would marry her someday,” sabi ni Matt.

Bata pa lamang ay malaki na ang paghanga ni Matt kay Laura at ginagawa niya ang lahat para makuha ang atensiyon nito.

“I remember trying to impress her during a Cinco De Mayo celebration at the preschool where we were trying to break open a piñata”,kwento pa ni Matt.

Nagkahiwalay din ang dalawa dahil kailangan nilang mag-aral sa magka-ibang paaralan ngunit pinagtagpo din ng tadhana noong sila ay nasa highschool na dahil sa isang kaibigan. Alam nila na mahal nila ang isa’t-isa kaya naman matapos ang isang linggo ng kanilang muling pagkikita ay naging magkasintahan na ang dalawa.

Noong May 2015 namasyal ang dalawa at bumalik sa kanilang paaralan noong sila ay bata pa lamang. Pagdating na pagdating sa lugar ay lumuhod si Matt at inilabas ang singsing mula sa kanyang bulsa at nag-prose kay Laura. Nagulat ang babae at sa kabutihang palad ay tinanggap niya ang proposal ng kasintahan.



Nagpakasal ang magkasintahan noong disyembre 2016 at marami ang kinilig sa kanilang kwento ng pag-ibig.