Naantig ang Puso ng Netizen ng Makita Niya ang Isang Bata na Nagbebenta ng Kanyang Drawings Para Pambili ng Baon sa Eskwelahan

Nakakalungkot man pero totoong maraming pamilya sa pilipinas ang mga kapos sa pera. Dahil sa kahirapan hindi magawang mabigyan ng mga magulang ang kanilang anak ng baon, kaya may mga estudyanteng pinipili nalang na hindi pumasok sa eskwelahan. May mga estudyante pa din naman na naghahanap ng paraan upang magkaroon ng baon tulad nalang ng paggawa ng mga gawaing-bahay, pagbenta ng mga kakanin at iba pang mga pagkain, o pagbenta ng mga nahahanap nilang mga bagay na pwedeng magamit sa junk shops.

Mayroon ding mga bata na namamalimos, kahit na hindi sila pumapasok sa paaralan, ngunit merong mga ibang bata naman na ginagawa ito para magkaroon ng baon at pangbili ng mga kailangang gamit upang makapasok sa kanilang mga paaralan. Ipinakita ni bryan ang litrato ng gawa noong bata na nakalagay sa isang grade 1 na papel.




Ayon kay bryan, nilapitan siya noong bata habang siya ay naghihintay ng jeep. Ang sabi ng bata ay ” kuya bili ka na ng paintings ko, 5 lang pambaon ko.” Sa pagtataka, itinanong ni bryan na ipakita sa kanya ang mga gawa nito at inabot ng bata ang mga papel sakanya. Bumili si bryan ng gawa ng bata kahit na hindi ito paintings at drawing lamang. 

May isang estudyante sa Nueva Ecija na nag viral kamakailan dahil sakanyang pagliban sa klase dahil wala siyang baon. May mga dumating na tulong para sa babae upang masiguro na siya ay hindi na liliban sa klase dahil lamang sa kawalan ng baon.



Ngayon naman isang bata mula sa España ang nag viral sa ibang kadahilanan naman. Ibinebenta niya ang kanyang mga disensyo upang siya ay may pangbaon sa eskwelahan. 

Kamakailan lang ibinahagi ng isang netizen na nag ngangalang bryan (@BryTooot) sa twitter kung paano niya nakilala ang batang babae. Nakilala niya ito habang siya ay naghihintay ng masasakyang jeep. Siya ay nainspired sa motivation ng bata sa kakaibang paraan ng paghingi ng baon sa mga estranghero. 

Nakatanggap ng puri si bryan dahil sa pagbigay ng sobrang pera para sa baon ng bata upamg ito’y makapasok din sa eskwelahan tulad ng ibang mga bata. Hindi naman ganun kamahal ang drawing na ibinebenta, maaaring hindi ito maapreciate ng iba o maiconsider na gawa ng sining at hindi ganun kahalaga upang bilhin, ngunit ito ang pinakamahusay na kayang gawin ng bata, at mas magandang paraan upang kumita ng pera kesa mamalimos ng direkta lamang sa ibang tao. Magandang makita na ang isang bata ay nangangarap na ginagamit ang kanyang drawing upang matupad ang mga ito.



Ibinahagi din ni bryan ang isang litrato ng drawin, sinasabi niya sa bata na bumili ng masarao na pagkain gamit ang perang ibingay niya dito. May mga taong kinutya si bryan dahil sa pagkakaalam na 5 piso lamang nito binebenta ang mga gawa at ano ang mabibili nitong masarao na pagkain gamit iyon. Sinabi niya na ibinigay niya nag kalahati ng kanyang sarling allowance, ngunit hindi niya na binanggit kung magkano ito.Isang paggalang kay bryan sa pagsuporta sa batang ito. Maabot nawa nito ang kanyang pangarap.