Tawang-tawa ang May-ari ng Aso na Ito Nang Nakawin at Pilit Sinuot ng Kanyang Alaga ang Pustiso Nito!

Nakakatuwa ang pagkakaroon ng mga alaga dahil nakakatulong sila upang tayo ay maging masaya. Katunayan ang isang hayop nga ay tinawag pang “man’s bestfriend” at ito ay ang mga aso. Meron silang kakayanan na kagaya ng sa tao upang bigyan ng kulay at kasiyahan ang buhay ng kanilang tagapag-alaga. Minsan ay nirerekomenda din ng mga doktor ang pag-aalaga ng hayop upang makatulong sa pag-galing pasyente o di kaya ay upang makaganggal ng stress at pagod sa trabaho.




Isang larawan ng aso ang naging viral sa internet dahil sa nakakatuwa nitong mukha. Makikita sa larawan na meron itong napakalaking mga ngipin at gilagid. Si Eunice, ang tagapag-alaga ng aso ang nagbahagi ng larawang ito sa kanyang Twitter account.


Ayon kay Eunice, nagsusuot ng pustiso ang kanyang ama at madalas niya itong tinatanggal kapag mag-sisipilyo o di kaya naman ay kapag oras na ng pagtulog. Wala naman daw nangyaring kakaiba sa paggamit ng kanyang ama ng pustiso hanggang sa isang araw nakita niya itong parang balisa at may hinahanap. Tinanong ni Eunice ang ama kung ano ang kanhang problema at baka makatulong siya. Nawawala pala ang pustiso ng kanyang ama matapos niya itong tanggalin bago matulog.



Nagtulungan ang mag-anak upang hanapin ang pustiso at kung saan-saang bahagi ng bahay sila naghanap sa pag-aakalang baka nakalimutan lang ng kanilang ama kung saan niya ito nailagay. Maya-maya pa ay nagulat ang lahat ng makita ni Eunice ang kanyang alagang aso na may kinakagat. Nang suriin ito ng dalaga, nakita niya ang pustiso ng ama na nasa bunganga na ng aso!



Nagtawanan ang buong mag-anak sa kanilang nakita. Ngunit napansin ni Eunice na hindi palagay ang kanyang alaga sa nangyari sa kanya kaya naman matapos niya itong kuhaan ng larawan ay tinanggal agad niya ang nakabarang pustiso sa bibig ng aso.

Umani ng maraming komento ang larawan ng aso matapos itong ibahagi ni Eunice sa internet at naging viral. Sabi pa nga ng ilan maaring hiramin daw ni Maggie (ang aso) ang pustiso ng ama ni Eunice para sa Halloween party!