Nakaranas Siya ng Depresy0n at Hiniling Niya na Tapusin na ang Kanyang Buhay Subalit may Tumulong Sakanya na Ayusin ang Kanyang Itsura Upang Magkaroon ng Rason na Makakapagpabago ng Kanyang Buhay!

Ang Depresyon ay isang nakapaka seryosong usaping pangkaisipan na maaaring maapektuhan ang kahit na sino man. Mapabata o matanda ay maaaring makaranas nito. Hindi lamang nakakaapekto sa kaisipan kung hindi pati na din sa sariling pangangatawan. Sa pamamagitan ng wastong paggamot, suporta sa minamahal at sa sarili ay matutulungang malagpasan ang dinaranas na depression.



May isang hairdresser na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa social media tungkol sa isang babaeng naging costumer niya sa salon na dumaranas ng depresyon. Umani ito ng maraming reaction sa social media. Mga magagandang komento ang inani ng hairdresser. Samantalang nakatanggap ng mga negatibong komento ang mga magulang ng bata sa mga netizens.


Ayon sa pinost ni Kayley Olsson, isang labing anim na gulang na dalagita ang pumunta sa Capri Waterloo Salon na kung saan nagtratrabaho si Kayley bilang isang hairdresser. At ang batang teenager ay may magulo, matigas, at dry na buhok. Sabi nang bata gusto niyang pagupitan ang kaniyang buhok para hindi na siya mahirapan pa sa pagsuklay ng kaniyang buhok dahil bumubuhol lamang ang suklay sa kaniyang buhok.

At nalaman niyang ilang taon nang dumaranas ng depresyon ang bata na naging sanhi ng kaniyang kapabayaan sa kaniyang sarili. Ayon sa sinabi sa kaniya ng bata ay bumabangon lamang siya kapag gumagamit ng restroom. At kaya lamang siya pumunta sa kaniya para pagupitan ang kaniyang buhok ay dahil nakaschedule ito para sa school picture bago magsimula ang pasukan.



At sa nalaman ay hindi naman kaya ng kalooban ni Kayley na gupitan ang lahat ng buhok ng dalagita, kaya napagdesisyonan niyang ayusin na lamang ito. Gusto niyang maging maayos ang pakiramdam ng bata sa kaniyang sarili. Hindi ito madaling gawin ngunit isinawalang bahala niya ang paghihirap para lang maging maayos ang buhok ng bata. Umabot sa labing tatlong oras ang pag-aayos sa buhok ng bata na ginawa sa dalawang araw.

Sa kagustuhan ng hairdresser na maging maayos ang pakiramdam ng bata ay naging matagumpay ito. Dahil hindi lamang sa naging malinis at gumanda ang buhok ng bata, Kung hindi tumaas din ang kompiyansiya nito sa kaniyang sarili at naging masaya ito sa resulta na ginawa ni Kayley. Nawala ang pagbababa niya sa kaniyang sarili at nagkaroon ng lakas ng loob. At sabi pa ng bata ay makakangiti na siya sa kaniyang school picture at naramdaman niya na bumalik muli siya sa kaniyang sarili.

Hindi lahat ng tao ay kayang maintindihan ang mga taong dumaranas ng depresyon. Ngunit huwag magdalawang isip na unawain, gabayan at tulungan sila. Bigyan sila ng suporta, kaukulang pansin at pagmamahal para maging maayos muli ang kanilang sarili.