Namangha Ang Mga Tao ng Malaman na ang Fairy na Ito sa Larong ‘Mobile Legends’ ay Totoong Tao Pala!

Marami sa mga kabataan ngayon kahit na mga matatanda, lalaki man o babae ay nahuhumaling sa paglalaro ng mga Mobile Games. Ito ang kanilang nagiging libangan lalo na kapag bumabyahe at naipit sa trapiko. Samatala, ang ilan naman ay pinagkakakitaan ang paglalaro ng Mobile Games. Sa paglalaro ng Mobile Games, mayroong kanya-kanyang pabotirong karakter ang mga manlalaro na madalas nilang gamitin sa bawat kompetisyon.


Isang Mobile Game ang naglabas ng patalastas ng kanilang laro kung saan makikita ang karakter ng isang magandang babaeng fairy. Namangha ang mga manlalaro sa galing ng graphic designer at animator para maipakitang mukhang totoo ang karakter ng laro. Maging ang mga parte ng mukha at pagkilos nito ay kagaya ng sa totoong tao. Ngunit mas lalo silang nagulat at namangha ng malaman nilang totoong tao nga ang babaeng fairy na nakita nila sa patalastas!

Ang nasabing babae sa patalastas ay si Savanna Blade, isang Canadian model. Madalas siyang makita sa unang pahina ng mga magazine at mga palabas sa telebisyon. Ang dalagang ito ay 18- taong gulang na at patuloy sa kanyang career bilang isang modelo. Siya ang napiling modelo para sa babaeng karakter na si Miya ng larong Mobile Legends.

Si Miya ay kilala bilang isang magaling na “marksman” sa nasabing mobile game. Makikita sa ginawang patalastas na ang dalaga sa kaanyuan ng karakter na si Miya ay may hawak na pana. Ito ang kanyang sandata na ginagamit niya sa bawat labanan. Madalas gamitin ang karakter na Miya sa mga pagkakataon na malayo ang kalaban dahil sa kanyang hawak na pana. May kakayanan din siyang mawala pansamantala upang hindi makita ng kalaban ang kanyang kinaroroonan


Ginagamit din ang karater na ito kapag babasagin na ang tore ng kalaban.

Ang balingkinitang katawan ng dalaga ay angkop na angkop sa karakter ng laro kaya naman napagkamalan ng karamihan na siya din ay isa lamang likha ng magagaling na animator at graphic designer.

Ano ang masasabi mo sa pagganap ni Savanna bilang si Miya na isang karakter ng Mobile game?