Ibinuking ng Bride na Ito ang Pangangaliwa ng Kanyang Groom sa Mismong Araw ng Kanilang Kasal sa Harap ng Lahat ng Tao

Ang ikasal sa taong iyong minamahal ay isa na yata sa pinakainaasam-asam ng lahat sa atin. Masaya ang pagkakaroon ng kasintahan at sabi nila mahirap man ay mas masaya ang buhay mag-asawa. Kaya naman lubos ang paghahanda na ginagawa para sa okasyon na ito.




Sabi ng ilan iba daw talaga ang iyong mararamdam sa araw ng kasal, isang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag. Ayon sa sinasabi ng mga babaeng ikakasal, pakiramdam nila ay natutuwa na kinakabahan sa araw ng kanilang kasal. Natutuwa dahil panibagong yugto na naman ito ng buhay nila ngunit kinakabahan din sa mga bagay na posibleng mangyari habang kinakasal sila at pagkatapos ng seremonya.


Isang kasal ang naging viral sa internet dahil sa halip na ‘wedding vow’ ang sabihin ng babaeng ikakasal ay nagbitiw siya ng mga kataga na ikinagulat ng mga panauhin. Ang babaeng ito ay si Casey at isang gabi bago siya ikasal sa kanyang kasintahan na si Alex ay nakikipag-inuman siya at nagsasaya kasama ang kanyang mga kaibigang babae. Nakatanggap siya ng mga mensahe mula sa di kilalang numero na naglalaman ng mga larawan ng usapan ng kanyang kasintahan at ibang babae.



Ikinagulat niya ito at patuloy ang pagpapakita ng di kilalang tao ng mga patunay na matagal na siyang niloloko ni Alex. Habang binabasa ni Casey ang mensahe ay napaisip siya at naalala ang mga panahon na nagdududa siya kay Alexa ngunit binabalewala niya ito. Umiyak ng umiyak si Casey ng gabing iyon at dinamayan siya ng kanyang mga kaibigan. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil matagal siyang nagpaloko sa kasintahan na si Alex.

Kinaumagahan araw ng kasal ay sumipot padin siya na parang walang nangyari. Nang magsasalita na dapat sila ng ‘wedding vow’ para sa isa’t-isa, sinabi ni Casey sa mga panauhin ng kasal na, “There will be no wedding today. It seems Alex is not who I thought he was.”

Lubos itong ikinagulat ng mga panauhin lalo na nang magpatuloy siya sa pagsasalita. Inilahad niya sa mga ito ang mensahe na pinadala sa kanya ng di kilalang tao na naglalaman ng ganito:



“This weekend. You and I. It is on, hot stuff. Bring your A game”.

“Your body is f****ng incredible. And s**t do you know how to use it. I wish my GF had half the skills you do.”

Sinubukan siyang pigilan ni Alex sa pagsasalita ngunit hindi ito nagtagumpay at noong hindi na niya kaya ang mga binibitiwang salita ni Casey ay lumabas siya ng simbahan at sinundan ng kanyang ‘best man’.

Bago umalis ng simbahan ay nag-iwan ng mga isang kataga si Casey na nagsasabing, ” I love all of you and as horrible as this is I’m glad you all are here. There will not be a wedding reception today, but instead, there will be a celebration of honesty, finding true love and following your heart even when it hurts.”

Nakakalungkot man ang nangyari ay mas mabuti na ito kesa naman matuloy ang kasal ng magkasintahan na hindi naman pala tapat na nagmamahal ang lalaking ikakasal.

Ano ang iyong reaksyon sa nasabing pangyayari?