Ikinasal na sina Christian Bautista at Kat Ramnani sa Bali Indonesia! Tignan ang Napakagandang Wedding ng Dalawa!

Masarap pakinggan ang salitang ‘dream wedding’ ngunit higit na mas masarap sa pakiramdam kung ito ay mangyayari at iyong mararanasan. Natural na sa mga artista at mga kilalang tao ang magdaos ng kanilang pinangarap na kasal sa iba’t-ibang bansa o sa mga lugar na naging espesyal sa kanilang pagsasama.




Noong ika -17 nga Nobyembre ng taong ito, ay nagpakasal ang singer na si Christian Baustista sa edad na 37 sa kanyang kasintahan na si Kat Ramnani. Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Tirtha Chapel sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Matatandaang unang nagkita sina Christian at Kat sa United States at matapos ang isang taon na pagiging magkasintahan ay nag-propose si Christian kay Kat noong Octobre 2017.

Makikita sa mga larawan na naibahagi sa social media ang ganda ni Kat habang dahan-dahan siyang naglalakad patungo sa altar. Mababakas din ang lubos na kasiyahan sa kanyang maaliwalas na mukha. Kitang-kita ang hubog ng katawan ni Kat sa suot niyang Inbal Dror na wedding gown. Ayon kay Kat,itinago niya kay Christian ang kanyang telepono isang araw bago ang kanilang kasal upang hindi nito makita ang ‘wedding gown’ na isusuot niya.



Samantala si Christian naman ay kitang-kita ang pananabik sa kanyang kasintahan habang nag-aantay sa baba ng altar. Suot niya ang damit na gawa ng isang sikat na designer na si Francis Libiran.


Hindi napigilan ni Kat ang maluha ng sa wakas ay makasama niya si Christian sa altar. Nakaharap ang altar sa Indian Ocean at habang binabanggit nila ang ‘wedding vows’ ay makikita kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa at damang-dama din ito ng kanilang mga panauhin.


Naging masaya at matagumpay ang kasalang ito kasama ang ilang sa mga kilalang personalidad kagaya nila Sam Concepcion at Erik Santos. Ilan din sa mga panauhin ng kasal ay ang mga kaibigang Indonesian ni Christian Bautista.
Matapos ang seremonya ay nagpunta ang lahat ng panauhin sa Glass House para sa isang salu-salo at upang ituloy ang kasiyahan kasama ang bagong kasal.ads


Isa lamang ang kasal na ito sa dalawang kasal na pinaplano ng magkasintahan dahil balak din ni Christian at Kat na magpakasal sa Pilipinas ngunit wala pang nabanggit na petsa at lugar.
Maraming mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang pag-bati sa bagong kasal at pinuri ang kanilang pag-iibigan.