Ito ang Sikreto ng Maayos Na Relasyon ni Priscilla Meirelles sa Kanyang Asawa na si John Estrada Kaya Sila Tumagal ng Ilang Taon!

Marami sa mga tao ang natutuwa sa relasyon nila Priscilla Meirelles at John Estrada dahil sa dami ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan ay nanatili padding matatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang buhay may-asawa ang Brazilian beauty queen na si Priscilla sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN Push. Nangyari ang pag-uusap na ito sa isang press conference kung saan kasama ni Priscilla ang actor na si Direk Ramsay para sa kanilang negosyo sa Rising Empire Dynasty.




Naitanong sa beauty queen kung kamusta na ang kanyang relasyon niya sa asawang si John Estrada at ikinagulat ng mga ito ang kanyang sagot. “When I met my husband, alam ko na totoo eh [babaero siya]. Eh mahirap talaga mag-asawa ka ng gwapo hindi ba?”,nakangiting sabi ni Priscilla. Natawa ang press sa kanyang naging sagot dahil parang tinanggap na talaga niya na babaero ang kanyang asawa na si John.

Marami ang mga dumadaan na pagsubok sa kanilang relasyon kagaya lang din ng normal na mag-asawa ngunit sabi ni Priscilla ay natutunan nilang pagaanin ang sitwasyon para hindi na ito lumalala pa. Mukhang nagiging epektibo naman ito sa kanilang dahil makikitang masayang-masaya ang pag-sasama nilang mag-asawa at ng kanilang mga anak.



“We have like this relationship, he actually sometimes says ‘Grabe ka. That is why I love you, you are so funny’. You know I say the right things, the truth, but you know we also get to laugh about it.”sabi pa ni Priscilla sa interview. Tamang komunikasyon at pagiging tapat sa iyong minamahal din daw isa sa mga susi para mapanatiling maayos ang inyong relasyon bilang mag-asawa.


Makikita sa mga post niya sa kanyang social media accounts ang kanilang masayang pamilya at pinaniniwalaan niya na tapat sa kanya ang kanyang asawang si John. Ngunit minsan daw ay nagdududa siya at sinabi pang “ Pero alam mo naman ‘yung nature ng babae at nature ng lalaki, it’s different. I’m not hypocrite. I don’t know, I hope he’s been telling me for years that he’s behaving”.



Mahirap man magkaroon ng asawa na dati ay babaero, nagagawa padin na maayos ni Priscilla ang kanyang relasyon kay John. Sabi niya pa nga “At the end of the day, nobody is perfect, no relationship is perfect. There is no perfect marriage.” Kaya naman sinusulit niya kung anong meron siya kasama ang asawa at mga anak. Sa ngayon ito ang pinakamahalaga kay Priscilla.