Ang pagkakaroon ng isang anak ay malaking responsibilidad sa mga magulang lalo na sa isang ina. Kaya naman kinakailangan na maging handa ang mga ito upang maibigay nila ang maayos na buhay ng bata habang ito ay lumalaki.
Sa kulturang Pilipino ay nakagawian na natin ang pagtatakda ng Ninong at Ninang ng ating mga anak sa araw na siya ay binyagan sa simbahan. Ang dahilan ng kulturang ito ay upang magkaroon ng katuwang ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak sa bawat aspeto ng buhay. Ang mga Ninang at Ninong ay tumutulong sa pagdidisiplina sa kanilang mga ina-anak at minsan naman ay kusang nagbibigay ng mga bagay o pera sa mga ito. Ngunit sa paglipas ng panahon nagiging iba ang pananaw ng mga tao lalo na ng mga ina patungkol sa pagkakaroon ng Ninang at Ninong ng kanilang anak.
Isang Ninang ang hindi napigilang ibahagi sa kanyang social media ang pagkainis niya sa Ina ng kanyang inaanak dahil sa hindi magandang inasal nito. Ipinakita niya sa publiko ang usapan nila ng Ina ng bata.
Sa unang mensahe ng Ina sa Ninang ay makikita ng nanghihingi ito ng tulong para maidaos ang kaarawan ng kanyang anak. Isa-isa niyang inilahad ang mga kailangan ng anak niya para sa kaarawan. Isa na dito ang dalawang palapag na cake galing sa Goldilocks. Humiling din siya ng dalawang dosenang lobo na melody ang design.
Makikita sa sagot ng Ninang na naiinis siya sa Ina at sinabing huwag ng ipilit ang hindi kaya at kung ano nalang ang meron ay pagtyagaan nalang muna. Tinawag pang kuripot ng Ina ang Ninang dahil sa ayaw nitong magbigay.
Patuloy na nagpumilit ang Ina na magbigay ang Ninang hanggang sa sinabing ibigay na ng mas maaga ang pamaskong regalo nito sa kanyang anak.
“Sige i-advance mo na lang papasko mo sa kaniya. Kahit saradong 4K ok na ‘yun, kahit ‘yun na lang papasko mo.”, sabi ng Ina.
Hindi na sumagot pa ang Ninang sa mensahe ng Ina. Inilahad niya ang lahat ng ito sa social media para maging halimbawa sa kapwa Ina na huwag umasal ng ganoon.


Marami ang nainis sa post na ito dahil para sakanila, wala man lang kahihiyan ang babaeng ito na humingi at magrequest ng pera sa Ninang ng kanyang anak.
Kayo, ano ang masasabi ninyo sa naging usapan ng Ninang at Ina patungkol sa papalapit na kaarawan ng anak nito?
source: nobledrift