Nag-viral ang Isang Larawan ni Kc Concepcion Dahil sa Kanyang Istilo ng Pag-upo na Binatikos ng Ibang Netizen

Mataas ang tingin ng mga tao sa mga artista kaya naman inaasahan nila ang mga ito na maayos ang pananalita, pananamit at pagkilos. Lalo na kapag idolo nila ang isang artista, siguradong lahat ng bagay ay inaalam nila. Minsan kahit simpleng mga aksyon ay napupuna at ginagawaan na ng balita. Madalas kapag may mga pagkakataon na hindi nakapasa sa mga mata ng publiko ang ginawa ng isang artista ay siguradong uulanin ito ng mga negatibong komento mula sa mga tinatawag na “bashers”.



Kagaya na lamang ng nangyari kay KC Concepcion na kamakailan lang ay nagbahagi ng kanyang larawan sa social media account. Makikita sa larawan na komportable itong nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan habang nakataas ang isang paa. Kasama ng kanyang larawan ang mga katagang “Ready for the new week ahead? Ohhh, I know you are.”


Komportable man ang aktres sa kanyang ginawa ay mukhang hindi ito aprubado ng karamihan sa mga netizens na hindi napigilan ang kanilang pagkomento. May nagsabi pa na dapat ay ibaba ni KC ang kanyang paa at umaayos ng upo na gaya ng isang matinong dalaga. Ang iba naman ay sinabing dapat hindi siya masyadong nagpapakita ng balat sa kanyang mga larawan.



Sa kabila ng mga batikos sa kanya ay nananatiling masaya ang dalaga dahil para sa kanya ay wala naman siyang ginagawang masama. May ibang mga netizens naman na pinuri si KC sa pagiging isang totoong tao niya. Pinuna din nila ang lubos na kagandahan ng aktres may make-up man o wala. Pati na rin ang kanyang makinis na kutis ay kanilang hinangaan.



Ang pagiging artista ay hindi lamang pagpapaganda o pag-arte sa harap ng kamera. Meron din itong mga kaakibat na repsonsibilidad dahil sila ay madalas tuluran ng mga kabataan maging ng mga matatanda. Kaya naman hindi maiiwasan na pati personal na buhay nila sa labas ng kamera ay hinahalungkat din ng publiko.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa larawan na ibinahagi ni KC? Masama ba ang kanyang ginawang paraan ng pag-upo?