Daniel Padilla, Binigyan ng Regalo na Mamahaling Sasakyan ang Kanyang Ina na si Karla Estrada!

Napakasarap sa pakiramdam kapag pinapahalagahan ka ng iyong ina. Inaalagaan at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para maibigay ang iyong mga pangangailangan. Ngunit mas masarap sa pakiramdam kapag marunong tumanaw ng pagmamahal ang isang bata sa kanyang mga magulang. Ang pagmamahal na ito ay maaring maipakita sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa kanilang mga ipinaguutos, pagtatapos ng pag-aaral o di kaya naman ay pagbibigay ng mga regalo sa kanilang kaarawan.




Kamakailan nga ay isang ina ang napabalitang binigyan ng magarbong sorpresa ng kanyang mga anak para sa kanyang kaarawan. Siya ay walang iba kundi ang tinaguriang “Queen Mother” Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla na tinagurian namang “Box Office King”.


Makikita sa ilang mga larawan na ibinahagi ng nagngangalang Darla Sauler na nagulat si Karla paglabas ng kanilang bahay dahil may isang itim na kotse na naka park sa tapat ng kanilang bakuran. Ito pala ay regalo ni Daniel Padilla at ng kanyang mga kapatid para sa kanilang ina. Nagbiro pa si Darla sa kanyang post at sinabing “Saan ang lakad? KARLAoke sa roadtrip! Sama tayo mga momsh! Birthday surprise nina DJP and siblings kay Momshie Karls!



Makikita ang saya sa mukha ni Karla sa kanyang espesyal na araw. Ipinagdiwang din ang kanyang kaarawan sa ‘Magandang Buhay’ kasama ang kanyang mga katrababo na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung ano ang mga pinagdaanan ni Karla bago marating ang maayos na estado ng buhay niya ngayon. Naging mahirap man ang mga pinagdaanan ni Karla para mapalaki ng maayos ang kanyang mga anak at mabigyan ng magandang buhay, nagbung naman ito ng mabubuting mga anak. Ang kwento ng buhay niyang ito ay napanood sa MMK at marami ang namangha sa tapang ni Karla na harapin ano man ang pagsubok na ibato sa kanya ng buhay.


Hindi man malinaw ang detalye ng pagdiriwang ni Karla ng kanyang kaarawan ay siguradong masaya ito dahil kasama niya ang kanyang pamilya mayroon siyang magarbong sasakyang mula sa kanyang mga anak.