Nasagi ng Isang Vendor na Ito ang Mamahaling Rolls Royce na Sasakyan ng Hindi Sinasadya, Nanlumo na Lamang ito Dahil sa Ganitong Reaksyon ng May-Ari!

“Ano kaya ang iyong gagawin kung mapansin mong may scratch o gasgas na ang pinaka-iingatan mong kotse?”

Kamakailan lang isang babaeng nagtitinda ng Pudding sa Guandong, China ang aksidenteng nakasagi sa isang Rolls Royce na mamahaling sasakan na nakapark sa gilid lamang ng daanan.




Nawalan umano siya ng control sa kanyang cart habang pababa ng daan dahilan nag pagkakasagi niya sa kotse na nag-iwan ng marka sa isang pintuan ng sasakyan. Nang kanyang mapagtanto na nataaman niya ang kotse, nagpanic siya. Sa kaisipang malaki ang halaga ng pangrepair ng kotse at tiyak na kailangan niyang magdoble kayod o kung pwede triple para lang makabayad sa pagpapapaayos nung kotse.

Nang dumating yung may-ari ng kotse at nakita ang nangyari dito,  agad siyang humingi ng tawad paulit ulit sa kanya sabay sabing ito ay isa lamang aksidente at hindi niya ito sinasadya.


Laking pasasalamat ng ale na ang may-ari ng kotse ay mabait at mapag-unawa kaya naman hindi siya sinisi sa nangyari sa kotse.

“She’s only a soft pudding seller. There’s no way she could pay for the damages. It’s okay, let it go. Go ahead and resume your business,” sabi ng may-ari sa kotse.

Kahit na ganun ang narinig niya sa may ari ng kanyang nagasgas na kotse, ramdam pa rin niya ang guilt dahil sa nagawa nito. Dahil sa kahihiyan, hindi na siya kalian pa nagbenta ng pudding sa lugar kung saan niya nasagi ang kotse.



Nang malaman iyon ng car owner, naawa siya sa babae kaya naman kinontact niya ito at sinabihang ituloy ang pagtitinda sa dating pwesto at wag mag-alala sa nangyaring aksident3.

Para malaman na sincere talaga ang lalaki sa kanyang sinasabi, pinuntahan niya mismo ang babae sa kanilang bahay para sabihing ipagpatuloy ang pagtitinda nito. “My family was also poor and I, too, has to work hard to earn a living. I could recall being dejected by a similar experience a long time ago,” 

At dahil ang tinda niyang soft pudding ay paborito sa kanilang lugar pinilit niya itong ipagpatuloy ang pagbebenta doon.

Ang video na ito ay kumakalat at nagviviral ngayon sa internet dahil naeengganyo sila sa kabaitan nung may-ari ng kotse