Ang Tibay ni Nanay! Isang Ina ang Kinakaya na Buhayin ang 24 Niyang mga Anak!

Ayon nga sa kasabihan ng mga matatanda, ‘ang anak ay isang kayamanan’, kaya naman noong unang panahon ay natural na sa kanila ang pagkakaroon ng maraming anak na nakakatuwang nila sa pang-araw-araw na gawain.

Ngunit sa hirap ng buhay ngayon ay hindi na praktikal ang pagkakaroon ng maraming anak. Ano kaya ang sikreto ng isang ina na naging viral sa internet dahil sa pagkakaroon niya ng hindi lamang isa kundi dalawang dosenang anak!



Siya ay walang iba kundi si Elena. Ayon sa kanyang kwento, nakilala niya ang kanyang kasintahan at naging ama ng kanyang mga anak na si Carlito noong siya ay 18 taong pa lamang. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Nahirapan manganak noon si Elena at parang ayaw na niyang magkaanak ngunit dahil ninanais nilang mag-asawa na magkaroon ng anak na babae ay pumayag na din siya na masundan ang panganay na anak nila. Umabot nga sa 15 piraso ang anak nila Carlito at Elena sa paghahangad ng mga ito na magkaroon ng anak na babae.


Maayos naman na napapalaki ng mag-asawa ang kanilang mga anak kahit na mahirap ang buhay ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw si Carito dahil sa pagtatanggol sa kanyang panganay na anak na nasangkot sa gulo. Buntis noon Elena sa ika 16 nilang anak at aminaso siya na nahirapan sa kanyang sitwasyon pero hindi siya nagpakita ng kahinaan sa kanyang mga anak. Napansin ito ng kumpare ni Carlito na si Arnold. Noong una ay tinutulungan niya lang si Elena kapag may problema ito hanggang sa nahulog na din ang loob niya dito at tumayo ng ama ng mga anak ng kanyang kumpare.
script async src=”//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js”>

Nagkaroon pa ng walong anak kay Arnold si Elena at umabot nga sa 24 ang kabuang anak nito.



Ang kwentong ito ay nakita ng mga netizens sa social media at tinagurian siyang “Nanay Elena, Ina ng marami”. Napanood din ang kanyang kwento sa Rated K at nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ni Korina.

Nang tanungin kung nahirapan ba siya sa panganganak ay ito ang tungon ni Aling Elena,” Sa panganay lang ako nahirapan manganak ngunit sa mga sumunod ay hindi na. Malaking tulong sa akin na laging gulay at isda lang kinakain ko.”

Sinisikap ni Aling Elena at ni Arnold na mapag-aral ang kanilang mga anak dahil ayon kay Elena, ayaw niyang sabihin ng tao na anak siya ng anak pero hindi niya naman kayang buhayin at paaralin. Kaya naman marami ang saludo kay Elena.