Napakabait Talaga! Binigyan ni KC Concepcion ang Kanyang Yaya na Nag-alaga sa Kanyang ng Isang Malaking Bahay!

Ang anak ni Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na si KC ay lumaki na mayroong nag-aalaga na ‘yaya’. Matagal na nanirahan at naglingkod sa pamilya ng Concepcion si Nanay Lina at simula maliit pa lamang si KC ay siya na ang nagbabantay at nag-aalaga dito dahil madalas wala sina Sharon at Gabby na parehong artista ng mga panahon na iyon.



Naging malapit si KC sa kanyang Nanay Lina at naibabahagi niya ang kanyang mga sekreto dito na hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga magulang. Lumalaking mabait at mapagbigay na bata si KC at hindi ito lingid sa mga kasamabahay nila.

Sa isang post ni KC sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya sa kanyang mga followers kung gaano kahalaga si Nanay Lina sa kanya. Ayon sa aktres, “She cared for me as a baby, would watch over me as my mother worked, and would hide my secrets (and midnight snacks) as a child… lol. As I got older, she would look forward to watching my movies and TV series, and has a big smile every time she’s near me… Up to this day her handwritten cards touch me so much, and so do the tears in her eyes whenever she sees me again after a long time,”

Samantala kamakailan lang ay isang video sa Instagram story ang napanood ng mga followers ni KC Concepcion. Isang matanda ang makikita na may kausap at ng tanungin siya kung nakatanggap ba siya ng isang bahay bilang regalo ay ngumiti ito sabay sabing ” Binigyan ako ng bahay niyan!”,habang tinuturo si KC na kasalukuyang gumagawa ng kanyang recording.

Noong ika-18 ng Agosto ng kasalukuyang taon ay nagdaos ng ika-89 na kaarawan si Nanay Lina at magpahanggang ngayon ay pinagsisilbihan padin niya ang buong pamilya ng Concepcion!



Nakakatuwang isipin na kahit isa nang sikat na personalidad si KC Concepcion ay hindi padin siya nakakalimot na tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya na mapalaki ng maayos ng kanyang mga magulang. Likas na nga ang pagiging mapagbigay ni KC at sa kasalukuyan siya ay National Ambassador Against Hunger of the United Nation’s World Food Programme.