Binatikos ang Pinay na Ito na Pilit Pakainin ang Kanyang Asawang Foreigner ng Isang Exotic Food na “Bangungon”!

Karamihan sa mga foreigner ay pinipiling mag-asawa ng mga Pinay dahil para sa kanila ay magaling mag-alaga at magluto ang mga ito. Sa katunayan maraming mga videos ang makikita sa internet kung saan pinapakita ng mga foreigner na kaya nilang makipagsabayan sa kanilang asawa pagdating sa mga pagkaing lokal ng Pilipinas gaya nalang halimbawa ng balut. Dahil dito nagiging mas proud ang mga Pilipina sa kanilang foreigner na asawa at mas nararamdaman nilang mahal sila ng mga ito.




Ngunit pagdating sa exotic food o iyong mga pagkain na hindi madalas makikita sa normal na habapag-kainan, iilan lamang ang mga foreigner na naglalakas loob na kumain nito.



Kamakailan lang ay may isang video sa Youtube ang naging viral at umani ng maraming komento sa mga netizens. Makikita sa video na ito ang isang Pinay at ang kanyang asawang foreigner na nasa hapag-kainan. Maraming nakahain na pagkain ngunit may isang kakaibang putahe ang ipinakilala ng Pinay sa kanyang foreigner na asawa at tinawag niya itong “bagungon”. Ito ay isang uri ng sea food na nahahawig sa “kuhol”. 

Si Beth ang Pinay na nasa video at ipinakita niya ang paraan kung paano kainin ang nasabing exotic food at sarap na sarap siya sa pagkain nito. Ngunit habang ginagawa ito ni Beth ay hindi maipinta ang mukha ng kanyang asawa at makikitang hindi niya gusto ang kinakain ng Pinay. Pinipilit ni Beth ang kanyang foreigner na asawa na tikman ang “bagungon” dahil malinis at masarap naman ito. Maganda din daw sa goiter ang pagkain ng mga seafoods dahil sa bitamina na makukuha sa mga ito. Sumagot ang foreigner na wala naman daw siyang sakit na goiter at marami ang netizens na natawa sa sinabing ito ng foreigner. Ayaw talaga ng foreigner na gawin ang pinapagawa sa kanya ng asawa at hindi-hindi daw niya kakainin ito maliban nalang kung wala na talagang ibang ulam.

Hindi man pinagbigyan ng foreigner si Beth sa hiling nitong kumain ng “bagungon” ay sinabi niya naman na mahal na mahal niya ang Pinay. “God know how much I love you”, sabi pa ng foreigner.


Maraming netizens ang nakapanood ng video na ito at bilib ang ilang mga kababayan natin kay Beth na ipinakikilala niya sa foreigner ang isang exotic food na matatagpuan din sa ating bansa. Ngunit marami ang hindi natuwa sa ginawa ng Pinay dahil para sa kanila dapat daw ay hindi niya pinipilit ang kanyang foreigner na asawa kapag ayaw nito.

Magkaiba man ang reaksyon ng mga netizen, nakakatuwa pading isipin na ang dalawang tao na nagmula sa magkaibang bansa at lumaki na magkaiba ang kultura ay pinag-iisa ng pag-ibig at maaring magsama kahit na maraming pagkakaiba sa isa’t-isa